Malay Mo?

358 5 0
                                    


Paano kung tayo pagdating ng dulo?,
Sangayon na sa akin ang ating mundo,
Walang nakikita na pag-asa sayo,
Ngunit lalaban para sa pag-ibig mo

Ang iyong wangis ay kay hirap limutin,
Bawat parte ay kaysarap na mahalin,
Tulad ng isang matayog na bituin,
Katangi tangi at kayhirap limutin

Sana'y masayaw ka sa gitna ng ulan,
At ilahad sayo ang nararamdaman,
Kahit kaunting oras ang nakalaan,
Basta ikaw ang tanging nasa harapan

Kung sa panaginip ko'y ikaw ay akin,
Ayaw nalang magising kung iisipin,
Dahil alam kong ito'y matatapos rin,
Ang pangyayaring mahirap sariwain

Hanggang kailan aasa sayo sinta?,
Ilang luha man ang pumatak sa lupa,
Sakit at pighati man aking mapala,
Habang buhay ay laging pipiliin kita

Hindi man natin masabi ang hantungan,
Ng patuloy na pagbigkas sayong ngalan,
Malay mo tayo ang siyang nakalaan,
Kaya't handa na maging iyong tahanan

tula ata?Where stories live. Discover now