Kalayaan

149 2 0
                                    


Sana'y aking kalayaan ay makamit,
Dahil puso ko'y nagdudusa at may hinanakit,
Sa kasiyahang noon ay iyong binigay,
Ngayon ako'y para nang bibigay,
Sa mga alaalang saakin ay gumugulo,
Na hiling ko'y maglaho,
Nang sa ganun ang puso ko'y maingatan,
At dumating ang inaasam kong kalayaan

Sana'y dumating ang panahon na tayo'y muling magkita,
Nang masilayan ko muli ang iyong mga mata,
Ngunit alam kong pagdating ng panahon na iyon ikaw ay nakatali,
Sa pag-ibig ng taong iyong tinatangi,
Kung darating man iyon ay kung maaari ikaw ay mayakap,
Dahil ikaw ay isang taong dati kong pinangarap

Salamat sa alaalang ipinaranas mo saakin,
Ito'y nagbigay ng kasiyahan sa aking damdamin,
Ngunit ang iyong papel sa aking buhay ay tapos na,
Salamat sa mga alaalang pwedeng baunin kapag ako'y wala na

tula ata?Where stories live. Discover now