Después del dolor de Ayer

83 3 0
                                    


Sa kabila ng maraming sakit,
Hindi dapat manaig ang pait,
Dahil ika'y nasa aking tabi,
Habang buhay, anumang mangyari

Pighati man ang siyang maghari,
Tadhana ma'y mahirap mawari,
Ikaw parin ang handang naisin,
Handang sumugal para saatin

Ang akala ko ay habang buhay,
Ating buhay ay puno ng lumbay,
Ngunit napagtantong hindi naman,
Dahil tayo'y may patutunguhan

Mahaba ang ating lalakbayin,
Hindi matatapos ang hangarin,
Dahil wala pa tayo sa dulo,
Sapagkat simula palang ito

tula ata?Where stories live. Discover now