Challenge # 17

116K 3.9K 656
                                    

"Akala ko ba mag-aaral tayong magluto? Paano tayo matututo kung nandito tayo sa bahay mo?"

Iyon ang una kong tinanong kay Azul pagpasok namin sa unit niya. Karga niya ang batang babae habang hawak ko naman ang kamay ng isa pang bata. Iyong baby girl, walang ginawa kundi ang sabunutan si Azul, kapag napapangiwi si Azul ay humahagikgik siya na para bang tuwang – tuwa siya sa buhay.

"Siya ba ang girlfriend mo new Tito? Alam mo Tito, iyong pinsan kong si Kuya Hyron ay may girlfriend na siya. Nakakapagtaka nga iyon kasi fourteen pa lang siya pero may girlfriend na siya eh sabi ni Papa sa akin bawal daw magka boyfriend ang tao hanggang siya ay forty – five years old. Kaya ako, kapag forty-six na ako magbo-boyfriend."

Bigla akong natawa nang malakas. The little girl seemed so funny. Parang napakadaldal niya. Nakita ko naman si Azul na inilapag ang baby sa carpeted floor niya. He seemed so very confused with the baby. Mukhang hindi pa siya nakakapag-alaga ng bata.

"What am I supposed to do with this?" Tukoy niya sa anak ni Ares. Tumayo ang bata at lumakad papunta sa kanya. Umaabot ito.

"Kargahin mo. Nakita mong umaabot sa'yo eh." Natatawang sabi ko. Kinuha naman niya ang baby at kinarga. Nagulat na lang ako nang biglang sumigaw si Azul. Kinagat siya ng bata sa ilong at mukha siyang nabigla. Buti ay hindi niya nabitawan ang bata.

"Putang ina! Ang brutal ng batang ito!"

"Ay! Tito bad po iyang putang ina 'wag ninyo po siyang sabihin!" Nanlalaki ang mga matang tinakpan ko ang bibig ng batang si Artie.

"Bata, bad iyon, 'wag mong sabihin! Ano ka ba?!"

Sinasabi din po iyon ng Papa ko kay Ares kapag nagkekwentuhan sila. Minsan po sa phone sasagutin ni Papa si Ares sasabihin niya, Putang ina ka, Ares, sinabi nang 'wag kang tatawag kapag natutulog si Eris Ireena1! Susuntukin kita sa lalamunan mo!" Ginaya pa ng bata ang marahil ay pakikipag-usap ng Papa niya sa Ares na iyon. Azul laughed wholeheartedly, ako naman ay nakatitig lang sa mga pamangkin ni Azul.

Alien ba ang mga taong ito? Kakaiba sila. Isang batang babaeng nagmumura at isa pang batang babaeng mahilig mangagat. Hinaplos ko ang mukha ni Artemis.

"Bawal magmura, bawal din sabihin ang salitang malibog. Kasi hindi iyon pambata. You should be watching Barney and friends or Dibo the gift dragon or whatever kids watch these days..."

"Ayoko po ng Barney at Dibo, bading po iyon eh. Ang pinapanood ko po iyong How things work sa Discovery Channel."

"Genius siya." Nagulat ako nang magsalita sa Azul. "She has a very high IQ. Madaldal iyan. Hindi lang siya naka-full mode on pero kapag kinausap mo na siya, mapapagod ka."

Azul seemed to be really fond of this one. Napaaray na naman siya nang kagatin ni Telulah ang daliri niya.

"Nag-iipin siguro siya kaya gusto niyang kumakagat." Napahagikgik ako. Lumapit ako sa baby at kinarga siya. Magkalapit kami ni Azul. Isiniyaw-sayaw ko ang bata habang buhat ko siya. Nakatingin lang siya sa akin. Maya-maya ay itinutulak niya ang mukha ko.

"Aw, baby..."

"Ayaw po ni Telulah sa pangit."  Natigilan ako. Natawa naman si Azul.

"Tinutulak ang mukha mo, ibig sabihin pangit ka.

"Leche ka! Tang ina ka!" Inis na wiqka ko.

"Ay! Bad nga po iyong tang ina, Tita!"

Oh my god! Napailing na lang ako. Hindi ko na alam kung anong mga lumalabas sa bibig ko. Kinarga muli ni Azul ang batang babae at dinala niya kung saan. Bumalik naman ako sa pag-upo sa tabi ni Artemis na busy sa pagbabasa ng libro na nakita niya sa coffee table. It caught my attention because the article is about guns and she was reading it.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon