CHAPTER 29

4K 95 21
                                    

Matapos maligo ni peyton ay agad siyang nag ayos ng sarili inamoy amoy pa niya ang kanyang sarili kung nag aamoy pabango pa sya na palagi niyang ginagamit.

Pero amoy ng sabon ang kanyang katawan. Sinigurado niyang hindi na siya mag aamoy mabaho sa harap ni holy.

Agad niyang pinuntahan si holy sa dinning area para mayakap ang dalaga at makahalik dito, Balak din niyang yayain si holy pumunta ng mall para makipag date dito.

Pag dating niya sa dinning area ay bumungad sa kanya si holy na abala sa pagbabasa ng libro habang kumakain ng pinaglilihian nito.

Dahan dahan siyang nag lakad papunta sa dereksyon ni holy at tsaka hiyakap ito.

Hinalikan niya ang mapuputing balikat ni holy na ikinagulat ni holy.

"Hi wife naligo na ako" Nakangiti niyang sambit kay holy pero kunot noo lang itong nakatingin sa kanya

Tsaka inilapit ni holy ang muka sa leeg at katawan ni Peyton para suriin kung hindi na ito nag aamoy mabaho.

"Pinagloloko mo ba ako peyton? Ang baho mo parin parang hindi ka naligo." Inis na sambit ni holy.

Para namang binagsakan ng langit at lupa ang muka ni peyton na dismayado.

"But I'll take a shower, tinapon ko na din lahat ng perfume na ginamit ko para hindi mo na yun maamoy." Pag dadahilan ni peyton.

Inamoy amoy niya ang kanyang sarili pero hindi naman talaga sya mabaho.

" E! sa naamoy nga kitang mabaho anong magagawa ko?" Inis na sambit ni holy at tsaka lumayo kay peyton.

"Wag ka nga muna lumapit sakin ang sakit sa ilong ng amoy mo pati ng perfume na gamit mo" inis na dagdag ni holy.

"Parang dati naman bangong bango ka pa sakin halos araw araw mo akong niyayakap para maamoy ako" seryosong sambit ni peyton.

Napakagat labi naman si holy dahil tama naman si peyton kung dati ay halos isiksik na niya ang sarili niya sa katawan ni peyton para lang maamoy ito. Dahil para sa kanya gustong gusto niya ang amoy ng perfume ni peyton.

Pero ngayon ay halos masuka na siya pag naaamoy n'ya ang perfume ni peyton.

"Dati yun nung hindi pa ako buntis" masungit niyang sambit

"Umalis ka nga muna dito sa bahay naiirita ako sa pag mumuka mo" dagdag ni holy at tinuon ang tingin sa librong hawak niya.

Mas lalong nadismaya si peyton

Ayaw niyang umalis ng bahay dahil gusto niyang makasama at masolo si holy. Pero sa tingin n'ya ay ayaw talaga siyang makatabi ni holy.

Kinuha niya ang kanyang phone at agad na tinawagan ang kaibigan nitong si kudos.

"What now diktador?" sagot sa kabilang linya.

"Where's pheobe? I need to talk to her"

"Why? What do you need from my wife?" Seryosong tanong ni kudos sa kanya.

"About holy, pakikiusapan ko sana misis mo na bantayan muna asawa ko" seryoso din niyang sagot dito.

Narinig n'ya ang pag tawa ng kaibigan pero hindi n'ya yun pinansin.

"What happened? Pinag-tatabuyan ka na naman ba ni holy?"

"Yeah, kaya kailangan ko ng tulong ng asawa mo"

"For what?busy kami ng misis ko kaya hindi ka n'ya ngayon matutulungan."

"Seriously? Busy? isang tabi n'yo muna pag haharutan n'yong dalawa, I need her help." Malamig na sagot ni peyton sa kaibigan.

Trying to Escape From My Ex ( ES#2)Where stories live. Discover now