CHAPTER 7

5.6K 182 10
                                    

HOLY P.O.V

Nakangiting nakatingin ako sa kapatid ni peyton habang pumapalakpak mag kasabay na ininom ang wine ng kapatid ni peyton at ang Asawa nito.

Nakisabay ako ng ingay habang tumatawa, kita sa mata ni Priscilla Ang saya habang nakatingin sa asawa.

Alam Kong Masaya ikasal, pinangarap ko din noon ang ikasal hanggang ngayon pero hindi ko sigurado kung matutupad pa ang pangarap na yun lalo na't takot ang puso Kong muling sumugal.

Matapos ang kasal nila ay sumunod ang wediing reception hindi sana ako pupunta dahil sa madami pa akong tatapusing design pero hindi lang yun ang dahilan dahil Mula kanina ay walang tigil sa kabog ang dibdib ko.

" Una sa lahat gusto kong mag pasalamat sa inyong lahat dahil nakadalo kayo sa kasal ko, secondly I want to thank Miss Holy Medusa dahil siya ang gumawa ng sout ko ngayon, I know all of you know her she's a famous fashion designer kaya hindi na ako nag tataka kung bakit maganda ang sout ko ngayon, she's may favorite designer.." sabay na nag palakpakan ang lahat.

Nakangiting tumungo ako ng tumingin sakin ang lahat pero ganun na lang ang pag iwas ko ng mahagip ng Mata ko si Peyton na seryosong nakatingin sakin.

Mula kanina ay napapansin ko na ang mga tingin niyang kakaiba, Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa aking isipan ang napag usapan namin ni peyton.

Ang kasunduan naming dalawa.

Tahimik lamang akong nakaupo sa Isang tabi hindi ko magawang makihalubilo at makipag usap sa iba dahil wala naman akong ka close, kanina ko pa gustong kakauwi pero kung gagawin ko yun ay parang nakakahiya naman sa kapatid ni peyton.

" Halika may ipapakilala ako sayo.." napabalik ako sa urirat at nagulat ng biglang lumapit sakin si Priscilla hindi na ito naka gown dahil nakapag palit na ito ng sout na dinesign ko at ginawa ko din.

" Saan naman?.." nakangiti kong tanong pero Isang kindat ang binigay niya sakin wala akong nagawa kundi ang tumayo at sumama sa kanya.

Lumapit kaming dalawa sa Isang babae at lalaki na nakatalikod samin.

" Mom., Dad..." Natigilan ako ng biglang humarap samin ang babae at lalaki,

Isang magandang babae na may kaedaran na Ang humarap samin ganun din ang lalaki.

" Mom this is Holy my designer, holy meet my mom and dad.."

" Holy?.."

" Medusa po I'm fashion designer in Canada&Paris...." Nakangiti kong sambit at makipag kamay sa kanila agad naman hinawakan ng mommy ni peyton ang kamay ko kita ko ang saya sa mata nito hindi ko alam kung bakit.

" You're so gorgeous iha.." para nag init ang pisngi ko ng purihin ako ng Ina ni peyton.

" Kayo rin po hindi na ako mag tataka kung bakit napakaganda ni Priscilla Manang mana po sa inyo.." nakangiti kong sambit sabay naman nag tawanan ang dalawa.

Ang kapatid ni peyton ay kamukang kamuka ang mommy niya ang ang daddy naman ni peyton ay may hawig sa kanya

" I like your design, I really like your style napakaganda mong gumawa.."

" Alam mo napaka swerte ng mapapangasawa mo iha.." napangiwi ako sa sinabi ng mommy ni Priscilla.

" B-bakit naman po?.." peke akong ngumiti hindi ko alam bakit pag dating sa salitang Asawa ay nakakaramdam ako ng inis.

" Napakaganda mo na at napaka talented mo pa.." natatawa akong tumungo.

Siguro nga..

" I forgot something.."

Trying to Escape From My Ex ( ES#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon