CHAPTER 26

5.7K 153 47
                                    

Tahimik na pinagmamasdan ni holy si peyton na tahimik na nag luluto, dalawang araw na mula ng mangyari ang pagpapaliwanag ni holy kay peyton at ang akala niya ay pangit ang kakalabasan ng paguusap nilang dalawa ni peyton pero nag kamali siya.

Dalawang araw na din nananatili si peyton sa kanyang tabi. Napag pasiyahan kasi nito na hinding hindi siya aalis hangga't hindi siya sumasama kay peyton.

Nakakaramdam ng paninibagong si holy kay peyton dahil mula ng mag usap sila nito at aminin niya sa binata ang totoo ay mas lalong naging maingat si peyton naging sweet ito sa kanya. At ang sinabi ng binata na babawi ito ay nakikita na ni holy kay peyton.

Sobrang maasikaso nito sa kanya kaya hindi mapigilan ni holy na ma guilty sa pag iwan niya kay peyton dahil halata sa muka nito ang pangungulila at lungkot.

Pakiramdam ni holy ay sobrang sama niya dahil sa kanyang ginawa.

Ayaw din ni holy na sa pag laki ng kanyang anak ay wala itong makikilalang ama. Inaamin niyang ayaw na niya kay peyton at kahit anong paglimot ang gawin niya sa binata ay hindi niya ito magawang kalimutan. dahil sa bawat oras na lumilipas tanging si peyton lang ang gusto at sinisigaw ng kanyang puso.

Naisip ni holy na walang problema kay peyton sadyang siya lang ang gumagawa ng paraan para parehas silang dalawang masaktan.

Siya lang ang gumagawa ng dahilan para kaayawan siya ni peyton pero sadya ngang mapaglaro ang tadhana dahil kahit anong takas niya at tago kay peyton ay nahahanap parin siya nito.

" Peyton you don't have to do this I can do it by myself.." panimula niya ng lumapit sa kanya si peyton at ipakita ang pancake na niluto nito.

" Why? hindi ba't tama lang na gawin ko ito? Tama lang na asikasuhin ko ang mag ina ko?.." saglit na natahimik si holy dahil sa sinabi ni peyton. para ding hinaplos ang kanyang puso dahil dito.

" pwede ka naman munang umuwi ng manila.paano na lang yung trabaho mo.." pagpupumilit ni holy.

Saglit na tumigil si peyton at seryoso siyang tinignan, hinawakan ni peyton ang kanyang kamau at himas ang ito.

"Remember, I'm the boss, so I can do whatever I want.." seryosong sambit nito sa kanya.

Napalunok na lamang siya dahil sa kakaibang tingin na binigay sa kanya ni peyton.

" Besides, sinabi ko naman sa'iyo na hindi ako aalis Hangga't hindi kayo kasama ng anak ko?.."

" Ayokong mapalayo ulit sayo holy sapat na ang ilang beses na hinayaan kong mapalayo ka sakin.." mahina at paos na sambit ni peyton.

" You're driving me crazy, holy, please don't run away and leave me again.." ang boses ni peyton ay malumay kaya ramdam ni holy ang sakit na nararamdaman nito.

Hindi nag dalawang isip si holy na hawakan ang muka ni peyton, parang may sariling pag iisip ang kanyang labi dahil nilapat niya ang labi niya sa naka-awang na labi ni peyton.

"I won't try to run away from you again.." hinawakan ni holy ang pisngi ni peyton tsaka tinitigan ang mapupungay nitong mga mata.

" hinding hindi ko na tatakbuhan ang pag mamahal na ipaparamdam mo sakin.."

" Sapat na ba ang sasabihin kong salita na mahal kita? Ikaw ang pipiliin kong sakit,lungkot, at saya.."

" Ikaw lang at wala ng iba.." ramdam ni holy ang pag tulo ng isang butil ng luha sa kanyang pisngi.

Hindi niya yun pinansin dahil nagulat siya sa ginawa ni peyton, dahan dahan nitong hinapit ang kanyang bewang.

Muling nag lapat ang labi nilang dalawa. pero ang halik na nararamdaman ni holy ngayon ay nag paramdama sa kanya ng init.

Trying to Escape From My Ex ( ES#2)Where stories live. Discover now