CHAPTER 28

3.7K 115 14
                                    


Ilang araw na mula ng mag kapatawaran sila peyton at holy, hindi nga nag kamali si holy sa pag bibigay ng isa pang pag kakataon kay peyton dahil nakikita nito na talagang bumabawi ang binata sa kanya.

"So how about the wedding dude? Kailan ang kasal niyo ni holy?" Tanong ng kaibigan nilang si kudos

Nasa isang private bar sila ngayong mag ka-kaibigan, matagal tagal na din kasi mula ng mag sama-sama sila, ilang araw din siyang nawala at nag asikaso para mahanap si holy.

Kaya ngayon lamang ulit sila makakapag usap. Nasabi na din ni peyton sa kanyang mga kaibigan ang kasal na kanyang pinag pla-planuhan.

Alam ni peyton na napatawad na siya ni holy at ramdam niya na bumabalik na ang tiwala nito sa kanya.

Kaya hindi na niya sasayangin ang oras dahil hindi na siya makakapayag na mawala ulit ang dalaga sa kanya.

Gusto na niya ito itali sa tabi niya.

Gusto niyang makasama si holy sa masayang pamilya na bubuuin nilang dalawa.

Gusto na niyang mag propose kay holy at pinag pla-planuhan na niya kasama ang kanyang mga kaibigan kung kailan.

"Paano kung tumanggi si holy sa alok ko na mag pakasal sakin?" Natahimik ang mag ka-kaibigan dahil sa sinabi niya.

Hindi rin alam ni peyton bakit ayun ang lumabas sa kanyang bibig, siguro ay kanina pa niya iniisip yun.

"Napatawad ka na naman nya dude for sure mag papakasal yun sayo" sagot sa kanya ni demiter

"Wag mo lang s'ya biglain." Seryoso namang dugtong ni kudos.

Napabuga na lamang si peyton dahil hindi n'ya alam kung ano ang gagawin n'ya kung sakaling umayaw si holy sa kanya na mag pakasal.

"Fuck it's driving me crazy!" Mahina niyang bulong at tsaka muling tinungga yung alak na nasa baso.

Hindi na lamang pinansin ni peyton ang mga kaibigan n'ya, sumandal s'ya sa sofa at pinikit ang sarili ang tanging nasa isip lamang nya ngayon ay ang babaeng si holy.

Matapos ang pag uusap nilang mag ka-kaibigan ay nag plano na din silang umuwi dahil mag gagabi na din at pati ang kaibigan niyang si kudos ay hinahanap na ng misis nito.

Walang sinayang na oras si peyton agad niyang pinaandar ang kanyang sasakyan, gusto na talaga n'ya makita si holy at mas lalong gusto niyang himas himasin ang tiyan niyo at pakiramdaman ang baby nila.

Ilang minuto lang ay nakarating din si peyton sa mansion nila, agad niyang pinuntahan si holy sa kanilang silid.

Gabi na rin kaya siguro maaga matulog ito, Agad na nag asikaso si peyton ng kanyang sarili at masayang tumabi kay holy na mahimbing na natutulog.

Niyakap niya ito patalikod kaya amoy na amoy niya ang buhok nitong napaka bango. Bumaba ang kanyang tingin sa leeg ni holy paranh may sariling pag iisip ang kanyang utak dahil bigla niyang inamoy ang leeg ni holy.

Napapikit na lamang s'ya upang pigilan ang sarili. Hinimas himas niya ang tiyan nitong malaki tsaka hinalikan ang kamay ni holy.

"Goodnight mywife."

----

Nagising si holy ng may maramdaman na mainit na hangin na tumatama sa kanyang leeg. Pag mulat n'ya ay nakita niya si peyton na nahihimbing na natutulog sa kanyang tabi.

Hindi napansin ni holy o natandaan na umuwi ang binata kagabi dahil maaga nga siyang natulog.

Nakatitig lang siya kay peyton napaka amo ng muka ni peyton kumpara sa nakikita niya pag gising ito. Dahil ang palaging expression ng muka ni peyton ay blanko minsan ay napakalamig at madilim ang awra.

Trying to Escape From My Ex ( ES#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon