CHAPTER 25

4.6K 149 29
                                    

Napahawak si holy sa kanyang batok ng maramdaman ang pananakit nito. Kagigising lamang niya at ng magising siya ay walang peyton na nakita siya sa kanyang palagid. Parang nakahinga siya ng maluwag dahil sigurado siyang umalis na ang binata kaya hindi niya ito nakita pag kamulat ng kanyang mata.

Agad siyang lumabas ng kanyang silid upang makainom na ng tubig dahil mula kanina pa ay nakakaramdam na siya ng uhaw.

Saktong pag labas niya ay nakakailang hakbang pa lamang si holy ay bumungad na sa kanyang harap ang dalawang lalaki na matalim ang titigan.

Para itong naguusap gamit ang kanilang mga matatalim na titig.

Si peyton na masama ang titig habang ang kamao nito ay tila nag titimpi.

Ang buong akala ni holy ay umalis na ang binata dahil hindi niya ito nadatnan kanina.

Hindi niya alam kung bakit nandito parin si peyton dapat ay umalis na ito lalo na't sa mga sinabi niya na alam niyang ikinasakit ng binata.

Nakakaramdam si holy ng pag ka guilty pero kung ayun ang paraan para mapalayo ang loob ng binata sa kanya ay gagawin niya.

Ayaw na muli niyang masaktan at mas lalong ayaw niyang nahihirapan si peyton pero dahil sa ginagawa niya ay mas lalo pa atang lumala.

Ang gusto lamang niya ay kalimutan pero dahil sa lagay nilang dalawa ngayon ay mukang malabong mangyari ang gusto niya.

Lalo na't may anak silang dalawa ni peyton alam niyang anumang oras ay mapapaamin siya kay peyton.

Masasabi niya sa binata ang lahat Ng wala sa oras.

Napalunok siya ng biglang tumingin sa kanya si Peyton, nag tama ang mata nilang dalawa.

Ang kaninang matalim na mata ni peyton ay napalitan ng kakaibang emosyon.

" Babe.." napabalik siya sa urirat ng magsalita si hiro.

Nag tataka niya tinignan ang kaibigan pero kinindatan lamang siya nito at sinenyasan na sumabay na lang.

Lumapit si hiro sa kanya gusto niyang tumawa dahil ang kinikilos ni hiro ay lalaking lalaki kumpara sa pinapakita nito sa kanya. Alam niyang nang tri-trip lang ang kaibigan.

" Dahan dahan baka mapano si baby.." talagang nilakasan ni hiro ang boses nito.

Napatingin siya kay peyton na dapat hindi na niya ginawa dahil ang muka ni peyton ay biglang nag iba ang awra nitong maitim ay bumalik.

Ang panga nito ay umiigti. nagulat siya sa isang iglap ay bigla na lamang napaupo ang kaibigan niyang si hiro.

Nagulat siya dahil bigla itong sinapak ni peyton.

" Fuck! don't touch her." Nang gagalaiting sambit ni peyton.

" Hiro!." hindi mapigilan ni holy na hawakan si hiro sa braso at dahan dahan itong itayo dahil bigla na lamang itong napaupo.

Napansin niya ang dumudugong ang gilid ng labi ng kaibigan.

Akmang idadampi niya ang daliri niya sa labi ni hiro para punasan ang dugo dito ng bigla na lamang higitin ni peyton ang kanyang braso sanhi para masaktan siya at mapasubsob sa dibdib ni peyton.

" n-nasasaktan ako ano ba peyton!." nahihirapan niyang sambit habang pinipilit na makawala sa higpit na hawak ni peyton sa kanyang braso.

" shut up!, who are you!?.."

" Why did you call her babe!?." Sunod sunod na sambit ni peyton habang ang mata ay nagliliyab na nakatingin kay hiro.

" bakit? masama bang tawagin ko siya ng ganun? She's not yours at ang pagkakaalam ko wala ka lang sa kanya." seryosong sambit ni hiro dahil sa narinig ay mas lalong nang galaiti si peyton.

Trying to Escape From My Ex ( ES#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon