CHAPTER 11

4.8K 178 11
                                    


Tulalang nakatingin si holy sa cellphone niya habang hinihintay ang reply ng kanyang kapatid, napahawak si holy sa kanyang batok ng maramdaman ang pangangawit nito, hindi niya mapigilan hindi mag aala mula pa kanina ng mag text sa kanya ang kababata niyang kapatid na hinahanap na siya ng kanyang ina, hindi niya alam bakit kailangan niyang mag tago at hindi mag pakita sa pamilya niya gayong miss na miss na niya ang mga ito.

" Arghh!.." maya maya pa ay biglang nag ring ang kanyang cellphone inis niyang sinagot ito.

" Henry! hindi ba't sinabi ko naman na ayoko nga pumunta jan sa mans---.." 

" It's me.." napatigil siya sa pag sasalita ng marinig ang boses ng kanyang ama. para siyang nanlumo at sinabayan pa ng kaba na kanyang nararamdaman ngayon.

" Dad.." tulala at mahina niyang sambit.

" I'm sorry akala ko si henry ang kausap ko.." dagdag niya 

" Kailan kaba uuwi dito sa mansion ilang linggo na mula ng makauwi ka galing canada, wala ka bang balak mag pakita sakin holy!!.." napabuga siya ng hangin dahil sa sunod sunod na sambit ng kanyang ama, 

" Sorry dad busy lang po ako mag papakita naman talaga ako sa inyo kaso madami akong tinatapos na des--" 

" Shut up!, what kind of reason is that? palagi na lang yan ang nirarason mo sakin!.." gusto na niyang ibaba ang tawag pero ayaw niyang mag mukang bastos sa kanyang ama.

" Wag mong hinatayin pumunta pa ako jan o ipasundo kita Holy Medusa!., pag hindi ka pa sumulpot dito sa mansion sa loob ng isang linggo ako mismo pupunta jan.." galit na sambit ng kanyang ama alam niyang pag ganun ang tono ng boses ng ama niya ay galit na galit ito, meron itong isang salita na ikinakatakot niya.

" your mommy is worried about you, at nag aalala din ako sayo wag mo hinatayin na ipasundo pa kita.." parang nag iba ang kanyang pakiramdam ng marinig na nag aalala sa kanya ang kanyang ina, ilang taon na din mula ng makita niya ito.

" Yes dad.." malumay niyang sagot, ayaw niyang pumunta ang kanyang ama sa opisina niya pero ayaw din naman niyang umuwi ng mansion pero walang siyang choice kundi ang sumunod dito.

" Ate!!!, Sorry bigla kasing kinuha ni daddy phone ko.." napabalik siya sa urirat ng mag salita ang kanyang kapatid.

" Punyeta ka ewan ko sayo!!.." inis niyang sambit hindi na niya hinintay na mag salita ang kanyang kapatid dahil agad niya itong pinatay.

Pakiramdam niya ay parang bigla siyang nawala sa mood, pabaling siya ng tingin sa pinto ng marinig ang katok dito, maya maya ay biglang pumasok ang kanyang secretarya, lumapit ito sa kanya habang dala dala ang isang starbox coffee na pinabili niya.

" Salamat Joan.." pasasalamat niya sa sekretarya at kinuha ang kape, nilapag muna niya ito.

" Anong nangyari Ms.Holy bakit ganyan po ang itsura ng muka nyo?.." nag aalalang tanong nito sa kanya napabuga siya sa hangin

" Joan check mo nga mamaya kung may appointment ako next week.." malumay niyang saad sa babae.

" hmm, I talked to dad earlier and he said I need to go to mansion this week or maybe next week kung hindi daw ako uuwi susunduin daw niya ako dito, sempre pumayag ako wala akong choice kundi ang umuwi at mag pakita sa kanila.." mahaba niyang sambit, wala talaga siyang choice dahil ayaw niyang umabot sa punto na mismong ang ama pa niya ang pumunta sa kanya dito.

" kaya please pa check na lang kung may appointment ako next week kahit sa susunod na linggo na lang ako umuwi.." dagdag niya.

" Sige po I'll check your schedule.." tumungo lamang siya kay joan akmang kukunin niya ang kape na binili nito sa starbox ng bigla itong matapon sa kanyang lamesa dahilan para matapunan din ang kanyang damit.

Trying to Escape From My Ex ( ES#2)Where stories live. Discover now