CHAPTER 20

4K 113 12
                                    

6 MONTHS LATER

" Ano ba lukas dalian mo naman baka mamaya magising si ate holy..!" 

" oo saglit lang naman ella.." 

Naalimpungatan si holy ng makarinig ng isang sigaw na nanggagaling sa bintana ng kanyang kwarto.dahan dahan nag unat si holy galing sa pag kakahiga, hindi niya mapigilang hindi hawakan ang tiyan niyang malaki na.

Anim na buwan na mula ng umuwi dito sa probinsya nila, anim na buwan na mula ng tumakas siya. habang tumatagal ay palaki na ng palaki ang kanyang tiyan. masasabi niya talagang may bata sa sinapupunan niya.

Hinimas himas ni holy ang kanyang batok ng maramdaman ang pangangalay nito, naglakad siya papalapit sa binta upang makita kung ano ang nangyayari.

Nakita niya si ella na pinsan niya at ang kasintahan nito na nag tatalo, ang lalaki ay nasa taas ng puno habang kumukuha ng buko, hindi mapigilan ni holy na matakam, mula ng mabuntis siya ay nag simula na din siyang mag lihi sa buko, ito ang palagi niyang iniinom, minsan pa nga ay ginagawa niya itong buko shake at minsan naman ay pinapapak lamang niya ang laman nito.

" Ella, Lukas!!.." tawag niya sa dalawa na saglit naman natigilan at sabay na tumingin sa kanya.

" Ate holy gising kana pala?, nagising kaba sa kaingayan namin?.." sigaw pabalik ng pinsan niya pero umiling lang siya, gusto niya sanang sabihin na oo.

" Hindi naman, bigla kasing kumulo tiyan ko sa tingin ko nagugutom na kami ni baby.." sagot niya, hindi niya alam bakit ambilis niyang magutom kahit isang oras pa lang siya ng matapos kumain.

" baba kana dito ate may ginawa akong manggo,strawberry cup cake.." para nanlaki ang mata ni holy sa sinabi ni ella parang mas lalo siyang nagutom.

" S-Sige pababa na ako." mabilis niyang sambit at agad na tumalikod, pumunta muna siya ng banyo para umihi at ayusin ang sarili.

Matapos umihi ay sinuklay muna ni holy ang kanyang maiksing buhok na medyo magulo. mula kasi ng mag buntis siya ay pinaputulan niya ang kanyang buhok na dapat ay mahaba haba na. inayos muna niya ang kanyang sarili, isang light green daster ang kanyang sout.napahawak siya sa kanyang pisngi at kinurot ng mahina yun,  matapos ay agad siyang lumabas ng kwarto.

Bumungad sa kanya ang napaka bangong amoy.

" oh ate naamoy mo ba ang mabango kong gawa na cup cake?.." nakangiting sambit sa kanya ni ella habang nilalagay ang madaming cupcake na gawa nito sa lamesa..

" Hoy lukas alalayan mo si ate holy ako'y inagalit mo kanina pa.." hindi mapigilan matawa ni holy ng mabilis na naglakad sa kanya ang binata at inalalayan siya, pansin pa nito na pinanlakihan ng pinsan ang binata.

" nako baby mukang mabubusog na naman tayo ngayon dahil sa luto ng tita mo.." natatawa niyang sambit dahan dahan siyang umupo, parang biglang kumislap ang mata niya ng makita ang pagkain sa harap, ibat ibang uri ng cup cake at meron din malamig na buko na punong puno ng laman. akmang iinom siya ng bigla siyang pigilan ni ella.

" hep! hep! mamaya na yan te baka mabusog ka bigla.." awat sa kanya nito na ikinasimangot niya.

" teka nga bakit parang naka-uniform parin kayong dalawa ah? kauuwi niyo lang ba galing school?.." nag tataka niyang sambit ng mapansin niyang nakauniform pa sila ella.

" kanina pa talaga kami nakauwi te, hindi ko na nagawang mag bihis kasi agad akong nag bake, si lukas naman sabi ko umuwi muna sa kanila para mag bihis kaso ayaw niya.." mahabang sambit ni ella sa kanya.

" Nagpapalakas kaba sakin?.." taas kilay niyang sambit kay lukas.

" Hindi ate ah.."ilag na sagot sa kanya ng binata.

Trying to Escape From My Ex ( ES#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon