CHAPTER 16

4.4K 134 13
                                    

" Ano na putangina ka! napakatagal mo namang babae ka!!.." Napapikit si holy ng marinig ang sigaw ng kaibigan sa tawag.

Sunuklay niya ang mahaba niyang buhok at tsaka nag lagay ng konting liptint sa kanyang labi.

Tinignan niya ang sarili sa salamin, handa na siyang umalis para makipag bonding sa mga kaibigan niya.

Matagal tagal na din kasi mula ng mag kasama sama silang mag ka kaibigan, at sigurado siyang ubos ang oras niya ngayon para makagala kasama sila xaxy.

" Ano banal bumihinga ka pa ba Jan?.." Inis na sambit ng kaibigan niyang si Clara sa tawag.

" Oo paalis na ako teka lang.." Mabilis niyang sambit .

Isang fit na dress na kulay red ang kanyang sout na hanggang hita lamang niya. Na pinaresan niya kulay black heels.

Agad niyang kinuha ang kanyang bag at lumabas ng kanyang condo.

Agad siyang pumunta sa parking lot at tsaka pinaandar ng mabilis ang kanyang sasakyan.

Ilang araw na ang lumipas mula ng aminin at ipaliwanag ni Peyton sa kanya ang totoong nangyari nang makita niya itong may kahalikan na iba.

Mula nung araw na yun ay wala na siyang maramdaman na pagdududa sa binata, mas lalo niyang gustong makilala ng mabuti si Peyton.

Gusto niya muling sanayin ang sarili na nasa tabi niya ang binata, tinupad ni Peyton sa kanya ang sinabi nito na babawi sa kanya ang binata.

Habang tumagal ay mas lalo niyang nakikita ang pag babago ni Peyton.

Nakakaramdam parin siya ng kaunting takot na mangyari muli sa kanya ang ginawa ni peyton, kung nakakamatay lang ang pagiging marupok siguro ay wala na siyang buhay ngayon.

Pilitin man niyang kalimutan si Peyton ay Hindi niya naman magawa dahil kahit anong limot niya kung paulit ulit naman napasok sa isip niya ang mga pinagsamahan nilang dalawa ni peyton, ang mga masasayang alala nilang dalawa ni peyton at wala rin siyang magawang kalimutan ito

Si peyton ang unang lalaki minahal niya. Kay peyton lang siya naging marupok ng ganito, si peyton lang ang lalaking nagpabaliw ng kanyang damdamin, nag pagulo ng kanyang isip.

Kung hihiling man siya ng lalaking makakasama habang buhay ang pangalan na siguro ni peyton ang babanggitin niya.

Wala pang ilang minuto at nakarating na din siya sa restaurant na pagkikitaan nilang mag kakaibigan.

SAMGYUPSAL basa niya ng makababa ng sasakyan agad niyang sinuot ang shades at naglakad papasok ng restaurant, pag pasok niya ay ingay agad ng mga tao sa restaurant ang kanyang narinig.

Agad na hinanap ng kanyang mata ang mga kaibigan. napangiti siya ng makita ang isang familiar na kumakaway na babae sa kanya.

Agaran siyang lumapit sa tatlong kababaihan na namasayang kumakain.

" oh! Buti nakarating ka? Akala ko natigok kana dun sa condo mo eh.." Taas kilay na sambit sa kanya ng kaibigan nitong si Clara. Inirapan lamang niya ito ay umupo sa tabi ng kaibigang si Phoebe.

" Kakauwi ko lang galing work tanga." Sagot niya dito.

" kamusta naman ang trabaho mo sis? Puro ka na lang ba trabaho wala ka bang balak mag asawa o mag boyfriend?.." Napaubo siya dahil sa tanong ni pheobe.

Ang maamong muka ng kaibigan ay biglang naging mapang asar na muka.

" Pheobe naman wag mo ako simulan punyeta ka.." Inis niyang sambit at tsaka uminom ng tubig.

" Anyway, matagal tagal na din ng mag bonding tayo ano?.." Nakangiti niyang dagdag.

" well day off ko kasi ngayon saktong nag timing yung pag yayaya nyo.." Nakangiti naman sagot ni xaxy.

Trying to Escape From My Ex ( ES#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon