CHAPTER 12

5K 174 14
                                    

Naalim pungatan sa pag tulog  si holy ng marinig ang pag ring ng kanyang cellphone, kahit na tinatamad siyang mag mulat ay ginawa parin niyang imulat ang mata para tignan kung sino ang tumatawag sa kanya.

Nag taka siya ng walang pangalan ang nakasulat sinagot na lamang niya ito.

" Hello?..." malumay niyang sagot habang nakapikit parin.

" Natutulog ka pa?.." napakunot siya ng noo dahil sa sagot ng nasa kabilang linya.

" Sino 'to?.." bangot niyang sambit.

" Peyton.." napamulat siya agad at napabangon sa kinahihigaan dahil sa narinig

Hindi niya napansin na si peyton pala ang kausap niya dahil ibang iba ang boses nito sa tawag mas malamig at nakakatakot, pero ang pinag tataka niya ay pano nakuha ng binata ang kanyang cellphone number, hindi naman niya ito binigay at mas lalong di niya ibibigay ang kanyang number kay peyton.

" Peyton!?, paano mo nakuha number ko ah!?.." kung kanina ay nakakaramdam siya ng antok ngayon ay hindi na.

" Kay Joan binigay niya sakin.." rinig niyang seryosong sambit ni peyton.

" What!? teka hindi ibibigay ng secretarya ko ang cellphone number ko ng basta basta." inis na sambit niya.

" she gave it to me.." sagot nito sa kanya napapikit siya sa inis, ang aga aga ay nakakaramdam na naman siya ng inis dahil sa binata.

" Listen peyton!, hindi ibibigay ng secretarya ko ang number ko dahil sinabi ko na wag ibibigay kung kani-kanino number ko.."

" Ngayon sabihin mo sakin kung hiningi mo number ko na tinatakot ang secretarya ko!?.." dagdag niya pinilit niyang ikalm ang sarili hindi niya maintindihan bakit ang bilis niya mainis.

" get that up we are going somewhere I'll pick up you by 10:00.." hindi siya sinagot ni peyton sa tanong niya, nanlaki ang mata ni holy sa sinabi nito.

" Ano!? teka ayoko di ako sasama ni di ko nga alam kung saan tayo pupunta.." natataranta niyang sambit hindi niya alam kung ano binabalak ng binata, at isa pa ay holiday ngayon balak niya lang mag pahinga at matulog ng matulog.

" Wag kana magbubunganga jan, I'll pick up you so wait for me.." akmang mag sasalita pa sana siya ng ibaba na ni peyton ang tawag inis na pinag papadiyak niya ang paa wala siyang pakielam kung mabulo ang kanyang higaan.

" Arghhh! bahala siya anong akala niya sakin sasama ako basta basta-- punyeta may pinagusapan pala kami ng gagong yun argh!.." napagpasyahan niyang wag sulputin o sumama kay peyton pero nabawi niya agad ang sasabihin ng maalala ang pinag usapan nilang dalawa.

Gustong gusto na niyang makalaya sa binata pero hindi niya alam kung paano at hindi niya din alam kung makakalaya pa nga ba siya dito. isa lamang ang gusto niya ang tigilan na siya nito.

Inis na tumayo siya sa kama pinaklam muna niya ang sarili bago maligo, imbis na makakapag pahinga siya ng maayos ay hindi niya nagawa dahil sa binata.

Matapos niyang maligo ay nag ayos na siya ng sarili isang short na kulay itim ang kanyang sout at spagetti sando na kulay red nag sout din siya na mahabang jacket na hanggang tuhod niya tsaka pinaresan na sandals na kulay black na 2 inches lang ang haba hindi niya kailangan mag sout ng magara isa pa ay hindi niya alam kung saan sila pupunta ni peyton.

Nilugay niya ang mahaba niyang buhok at nag lagay ng konting kolerete sa muka, napatingin siya sa kanyang cellphone limang minuto na lamang bago mag alas diyes, agad siyang lumabas ng kanyang condo.

Pagkalabas niya ay tumama agad sa kanyang muka ang sikat ng araw nakalimutan niyang dalhin ang kanyang sun glass hindi na siya nag abalang kunin pa yun.

Trying to Escape From My Ex ( ES#2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin