HP34 - Model runway

13.6K 422 17
                                    

I went straight to my room and cried there. I just can't believe this. He loved me because he reminds me of Chelsea? Oh what a bullcrap.



"Ssshh. Sorry sorry. Mommy's hurt sssh. Don't cry." hinele-hele ko si Travis dahil umiiyak rin siya.



Unti unti akong tumahan at siya rin, tumahan na rin.



"Chelsea? Chels! Let me explain."  Katok ni Cheska mula sa pinto.



Bakit siya mag-e-explain at anong ie-explain niya? Agh. Naguguluhan ako. Mahal ba ako ni Private? Wait erase that thought. MINAHAL ba talaga ako ni Private?



Pinadede ko si Travis sa dibdib ko bago buksan ng pinto si Cheska. Pumasok naman agad siya. Namamawis ang kaniyang mukha sa sobrang pressure siguro.



"Chelsea, I swear. I don't love Private anymore. Siya yung lumapit sa akin at niyakap ako." Pagpapaliwanag niya sa akin.



Tiningnan ko lang siya habang sinasabi ang mga iyon at kita ko sa mga mata niya na mangiyak ngiyak siya. Ang OA naman nito.



"Oh bakit parang paiyak ka na?"



"Kasi baka magalit ka nanaman sa akin..." Tumungo siya.



Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ibinaba ko sa crib si Travis inayos ang damit ko bago yakapin siya. "Okay okay."



Lalo tuloy akong na-guilty sa sinabi ko sa kaniya dati. Ang sama sama ko pala talaga sa pagta-taray sa kaniya.



**



Nagpainting ako buong maghapon. Isang abstract painting ng isang babaeng umiiyak at isang lalaking nakatalikod.


Obvious naman sigurong si Private at ako 'yon.



Nagpunas ako ng pawis ko at naglinis na agad. Pagkahugas ko ay dumiretso ako sa backyard. Hapon na pero naglalaro pa rin si daddy at Cheska ng golf.



"Taloooo!" asar ni Cheska kay Daddy.



Just like me, magaling nga itong si Cheska sa golf. Kaya nga napagkamalan ni Private na ako si Cheska.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon