HP21 - Leave or Private?

15.3K 461 44
                                    

Nagising ako na nasa isang magandang kwarto ako. Tiningnan ko ang katawan ko't hubu't hubad ako. Wala akong katabi at ako na lang mag-isa.



Ramdam ko ang pagsakit ng kababaihan ko. May nangyari ba sa amin ni Private kagabi?! Lasing na lasing yata ako ah.



Nasapo ko ang noo ko nang biglang sumakit. "Hangover." Sabi ko sa sarili ko. Pero hindi eh, may biglang nag-flash.



Daddy..


Isang dalagang babae na tinatawag ang daddy niya. 'Di ko alam kung sino 'yon basta 'yun bigla ang nag-flash sa isip ko.



Pumikit na lang muna ako ng ilang saglit para mawala ang nasa isip kong 'yon. Minulat ko ang mata ko't tumayo na kahit sakit na sakit akong maglakad dahil alam kong 'di na ako birhen. Huhuhu.



Gumamit kaya ng proteksyon 'yon? Ayaw ko mabuntis sa kapwa ko Gonzales.



Pumasok ako sa CR at tiningnan ang sarili ko sa salamin ng walang saplot sa katawan. Nakakadiri na ako tingnan. Hindi na ako virgin... Ang dumi dumi ko na yata.




Naiyak ako doon panandalian at lumabas na rin. Nakita ko ang damit kong nakakalat sa sahig. Pinulot ko ang mga 'yon at ibinuka. "Shit sira! Pa'no na ako magdadamit neto?!" Kausap ko sa sarili ko.



Naghalungkat na muna ako sa damitan ni Private at kinuha ang isang boxer na naging shorts sa akin at isang plain white shirt. Okay lang naman tingnan.



Bumaba ako ng kwarto niya't tumingin tingin sa paligid. May mga pictures siya noong bata pa pero isa ang nakapukaw ng pansin ko. Isang basag na frame at may sulat sa mukha ng babae na kasama ni Private.



Hala bakit naman may ganito ito? Nakakapagtaka na talaga itong si Private.



Napalingon agad ako sa babaeng nagsalita mula sa likod ko. Naningkit ang mga mata niya't tiningnan ako mula ulo hanggang paa.



"Who are you?" She asked me habang lumalapit sa akin.



Isang mapayat at matangkad na babae ang isang 'to. Sino ba 'to!? Nakasuot siya ng magarang damit at halatang mayaman.



"A-assistant po ni Private." Sabi ko sa kaniya ng tapat.


Biglang nalaglag ang panga niya. Sinugod niya ako't sinampal. "You had sex with my son?!" sabi nito sa akin na galit na galit.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon