HP8 - Don't touch me

19.5K 518 31
                                    

"Nay, eto po ang gamot n'yo ha? 'Wag n'yo po kakalimutan na inumin. Isang gabi lang naman po yun at para sa trabaho. Kainin n'yo rin po 'tong mga pagkain ha?" Habilin na habilin ko kay mama.


"Ano ka ba, anak. Naiintindihan na kita. Bente dos ka na at alam kong kaya mo na ang sarili mo." Natatawang sabi ni mama sa akin. "Kaya ko na ang sarili ko anak. Matanda na ako."


Niyakap ko muna siya ng mahigpit bago umalis ng bahay. "Oh sige po mama ah. Mag-iingat po kayo dito." aniya ko.


Umalis ako ng bahay dala-dala ang isang maliit na bag na ang laman ay mga damit.


Pumasok na ako sa kotse ni Private na nasa labas ng bahay namin. "Tara na." Utas ko tapos pinaandar na niya ang kotse.


"Sa'n ba yun?" Tanong ko habang nasa biyahe.


"Laguna." simpleng sagot nito sa akin. From Quezon to Laguna? Malayo nga. [Heh 'wag kayo ang layo kaya huhu]


"Okay." Mahina kong sabi.


Natulog na lang muna ako buong biyahe. Napagod ako masyado sa kaka-check nung files kanina plug kakakain ko lang.


Nagising na lang ako ng biglang sudden brake ni Private ng kotse. Minulat ko ang mga mata ko tapos tumingin ako sa paligid. Medyo madilim na. 5:34 PM na pala. Tagal ko ring nakatulog ah.


"What happened?" I asked him.


He looked irritated. "That shitty driver almost killed us!" Turo niya pa sa kotseng nasa unahan niya.


I just ignored him. "Are we there yet?" He didn't look at me. He just continued driving. "Yep." He respond.


'Di na ako natulog pa nang marinig mula sa kaniya 'yon. Pinanood ko na lang ang mga sasakyan na dumadaan at ang mga bahay bahay sa tabi.


Maya-maya pa ay nawala ang mga iyon, nakita ko na lang ay puro puno. Walang poste manlang dito. Sobrang dilim.


Sa harap ako tumingin, tanging ilaw lang ng sasakyan ang nagbibigay liwanag. Hanggang sa makakita ako ng mga ilaw muli.


"Premestrice Resort." Basa ko sa malaking lettering na nandoon.


Whoah. May resorts pala silang pagmamay-ari. Nagbukas ang malaking gate at pinapasok kami.

Nagpark si Private at bumaba ng kotse. Ganun rin ang ginawa ko.


"Let's go." mahinang utas nito at naglakad papunta sa isang building.


May mga bumati sa kaniyang grupo ng babae. "Good evening Sir. Private." Nag-bow pa ang mga ito.


Nginitian ako ng mga babaeng 'yon, gayon rin ang ginawa ko pabalik sa kanila.


"S-sir Private!" Sabi ng isang nag-aassist sa parang information desk. "We didn't know that you have a person with you." Ako yata ang tinutukoy niya.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon