HP3 - Theo

24.6K 546 37
                                    

"Theo, Leave. She's working can't you see?" Sabi ng inis na si Private kay Theo.


Si Theo kasi ayaw umalis dahil daw nandito ako. Iniirapan ko nga dahil sa kakulitan eh. Nagt-trabaho ako dito ang kulit kulit.


"Private, dude. I'll date her later okay? She's mine hahahaha." Inaangkin ako ni Theo. Inikot ko ang mata ko't nagtype na sa laptop na binigay sa akin ni Mr. Private


"Whatever, Date her whenever you want to. She's not mine anyway." Tiningnan ko si Mr. Private ng saglit at tinuon ang mata ko sa screen ng laptop.


Gwapo si Mr. Private pero hindi ako magtatangkang mahalin 'yan. Unang una baka blood related kami, kaso sa malayo nga lang.


Lumapit sa akin si Theo at binigyan ulit ako ng isang rosas. Tinanggap ko na lang at bumalik sa tina-trabaho ko. May pinagagawa sa akin si Private sa microsoft, madali lang naman.


"I'll date you later, Misty okay?" Huling habilin ni Theo sa akin. Tiningnan ko siya saglit. "Fine." Ngumiti ako pabalik sa kaniya. Hayaan mo na, kung magiging jowa ko rin 'tong si Theo ay may mapapala ako.


Umalis na si Theo sa opisina ni Private. Umiling ako habang tumatawa ng mahina. "Do you like him?" Tanong ni Private sa akin.


Tumango ako. "Yes, he's cute." I said and bit my lower lip.


Nagpatuloy lang ako sa pagt-type ko ng stocks dito sa microsoft office. Madali dali lang rin naman maging assistant ni Private. Hindi masyado demanding, he said na dapat sabihin ko sa kaniya kung nahihirapan daw ako pinagagawa niya sa akin.


Naputol ang tahimik naming mood dito sa opisina nang biglang may tumawag kay Private. Nilabas ni Private ang telepono niyang magara. Meron naman akong phone pero hindi ganoon ka-sosyal.



"Private here. Yep. Gonna go there? Okay okay. Whoah, happy birthday, man! Aright." Mga sagot na naririnig ko mula kay Private.


Umupo muli si Private sa upuan niya at tiningnan ako. Shit nahuli yata akong nahuling nakatingin sa kaniya.


Binaling ko muli ang mga mata ko sa computer at dali-daling nagtype. Inistretch ko ang mga daliri ko't tapos na ako.


"I'm finished, sir!" Sabi ko sa kaniya. Tumigil siya sa pagsusulat doon at tumingin sa akin ng seryoso.


Lumunok siya at nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya. Jusko bakit pati yon napapanisin ko?


"Okay. Get me a cup of coffee. I'm sleepy." He said. Tumango lang ako at tumayo sa kinauupuan ko.


Pinagpag ko muna ang damit ko tsaka lumabas ng office niya. Pagkalabas ko ay nakahinga ako ng maayos. 'Di ko kinakaya ang atmosphere na meron doon ah.


Pumunta ako ng elevator at pinindot ang 14th floor. Nandoon ang gawaan ng coffee eh.


He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon