HP26 - Bad Theo

14.7K 456 114
                                    

Sabado, Umagang umaga umalis ako ng bahay para pumunta sa office ni Theo. Well actually sa labas lang naman. Doon kasi ang intayan nila para pumunta sa isang famous school daw. Meredith school ang sabi nila eh.



Pumasok ako sa van namin na puti at nandoon na ang ilan naming kasama. Nasa may gilid ako ng bintana at maganda nag pwesto ko. Kalapit ko si Melissa at may kalapit niya ang photographer namin.



Nakatingin lang ako sa bintana habang papunta doon. Tumingin tingin ako sa paligid at parang pamilyar ang paaralan na 'to sa akin.



Pinapasok kami sa loob at nagdiretso sa field. Pinagpalit na nila ako ng damit sa CR at minake-up-an na rin. Kasama raw ito sa FHM eh ewan ko ba.



Suot suot ko ang isang sobrang ikling short at isang maikling cropped top. Wew keri pa naman. I'm 22 years na kaya wala 'to.



"Here's the ball oh pose pose." sabi ng photographer sa akin.



Gumawa ako ng kung ano anong pose gamit ang bola. Nag-daring pa ako para pang FHM talaga ang dating.



Nang matapos ang last shoot namin ay binigyan ako ng tubig ni Melissa. "Boyfriend mo dati si Sir Private?" tanong niya sa akin at nakiupo pa sa tabi ko sa bench.



Uminom lang ako ng tubig at nagkunwaring hindi ko narinig ang sinabi niya. "Ha?"



"Nevermind nevermind. Anyway here's your clothes, pwede ka na magpalit." sabi niya sa akin at binigay ang damit ko.



Umalis na siya sa tabi ko at tumulong sa iba na mag-ayos ng gamit namin. I just shrugged and went immediately to the bathroom. Tahimik akong nagpalit ng damit doon at lumabas na rin pagkatapos.



Tinulungan ko na mag-ayos sila ng gamit at inilagay sa van namin. Pagkatapos magpack-up ay naglibot libot na muna ako saglit.



Tiningnan ko ang ground field at may naalala ako.



"Team Red is on fire!" sabi ng emcee.



Inirapan ko na lang ang mga lalaking naglalaro sa ground field. Nakaupo ako sa isang bench dito at sinasamahan ang kaibigan ko na manood. Samantalang ako naman nagd-drawing lang para sa next na i-p-paint ko sa bahay.



"Ahhhhhhhh! Gwapo niya talaga oh!!" sigaw at kalabit sa braso ko ni Mia.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon