HP12 - Jail and Jaile's wedding

17K 505 92
                                    

"You, you, you and you." Turo ni Private sa apat na babaeng muntik nang manlunod sa akin.


Jusko akala ko mamamatay na talaga ako. Bakit ba kasi hindi ako marunong magswimming? Nakakaasar naman!


"You're all good business woman and a good swimmer yet you're all a killer." Seryosong sabi ni Private sa apat na babae.


Mangiyak-ngiyak na silang apat habang sinesermonan ni Private. "C'mon, Misty." Sabi ni Private sa akin at hinawakan ang kamay ko palayo sa apat na babaeng 'yon.


Pinagbihis niya ako nang makarating kami sa kwarto namin. Aalis na daw kami ng resort at may kasalan pa daw kaming dadaluhan bukas.


"Done?" Private asked me while holding my mini bag na nakasukbit sa shoulder ko. "Yep." Umalis na kami ng kwarto at sumakay ng elevator.


Another awkward moment nang biglang higitin ako ni Private at hinalikan sa lips.. Nanlaki pareho ang dalawa kong mata nang gawin niya 'yon.


"Misty? Misty!" May nagsnap sa tapat ng mukha ko... Si Private.


Shet imagination ko lang pala 'yon. Shet sorry naman.. Bakit ko ba naisip 'yun?! Nakakainis naman oh.


"What happened to you? You're just staring." Sabi nito sa akin. Nasa labas na siya ng elevator samantalang ako nasa loob pa lang.


"W-wala. Tara na nga diba." dali-dali akong lumabas at nauna na akong pumunta ng parking lot.


Inintay ko si Private ng kaunting oras hanggang sa makarating sa kotse. Pumasok ako ng tahimik sa shotgun seat.


"Tulog muna ako. Napagod ako kakalakad.. at napuyat ako kagabi." sabi ko. I gulped.. hahahahaha baka isip niya ni-rape ko siya.


"Bakit nga pala ako nasa bed room kanina? Eh sa sofa ako natulog!" Tanong ko muna sa kaniya bago matulog.


Pinaandar na niya ang kotse't pumunta na papuntang Quezon. "I putted you there. You look awful lying down there." he said.


Tumango tango na lang ako. May concern rin naman pala si Private kahit papaano hihi.


"Tu-tulog na talaga ako." Isinandal ko ang ulo ko sa likod ko tapos pumikit na.


Nakatulog ako ng mahimbing at napanaginipan ko pa na hinahalikan nanaman ako ni Private.

Nagising ako nang makita kong nasa amin na pala ako. "Just in time." aniya sa akin pagkagising ko.


Kinusot ko ang mata ko at humikab. "Salamat." Bumaba ako ng kotse niya. Inaantok na ako kaya hindi ko na inintay ang sasabihin niya pa.


Tulog na si mama nang makapasok ako ng bahay. Anong oras na rin naman kasi. It's 1 AM in the morning. Grabe ang tagal ng biyahe ah pero inaantok pa rin ako.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon