HP33 - I'm not Misty

14.1K 498 45
                                    

Kinabukasan ay naglaro kami ni daddy ng golf sa backyard namin. Pinagawa 'to ni daddy para sa amin at hindi na kami pupunta ng Laguna pa diba? Pero kung trip namin edi trip namin.



"Bull's eye!" sabi ni daddy pagkashoot ng bola. Napailing iling ako. Talo ako ni daddy ngayon ah!! Hindi pa rin ako nakaka-shoot simula nung naglaro kami.



"Daya! Pina-set up mo talaga 'to para manalo ka eh!" Pagkukunwaring galit ko sa kaniya at tumawa naman siya.



Tumira ako pero sala nanaman. Kaasar naman huhu. "Laging talo talaga!" Napakamot ako sa ulo ko dahil sa katangahan ko.



Umupo na muna ako sa upuan at uminom ng isang basong juice. "Maybe you're bothered?" Tumigil rin sa paglalaro si daddy't tiningnan ako.



Nilapag ko ang baso sa tabi ko't tiningnan siya. "I don't know. I'll refresh up myself inside. Bye~" Paalam ko kay daddy at iniwan siya doon.



Pumunta ako sa loob nang makasalubong ko si Cheska na hawak hawak si Travis. "Buti na lang behave itong batang 'to." I pinched my baby's cheek and went straight to the art room.



Tiningnan ko muna ang mga paint brush ko at mga sira na ang iba. Wala na rin akong mga acrylic paint. Kailangan ko pang bumili.



Nagpasya na akong pumunta ng kwarto at magpalit ng damit. "Oh? Puntang SM? Sama!" sabi ni Cheska pagkakita ko sa hagdanan.



"Ha? Ah oo. Oh sige. Bihis ka na. Sama ko na si Travis." Kinuha ko si Travis mula sa kaniya at bumalik muli sa kwarto para bihisan ng magandang damit itong si Travis.



"Ayan, pogi ng baby boy ko." Sabi ko kay Travis at nilisan muli ang kwarto ko.



Saktong paglabas ko ay labas rin ni Cheska sa kwarto niya. Pumunta kami sa parking lot ng bahay at sumakay sa kotse ko. Ako ang driver at itong si Cheska sa shotgun seat kalong kalong si Travis.



Nakarating rin agad kami ng SM. Nagseperate ways kami ni Cheska, ako dala-dala ang baby stroller niya. Pinagtitingnan ng mga tao si Travis dahil cute daw.



Pumunta ako sa isang art shop at binili ang mga kailangan ko. "Need a new painting for my art exhibit." Tinawanan ko yon.



Ang art exhibit ko ay nasa iisang kwarto ng bahay namin. Nandun lahat ng paintings ko.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon