HP16 - Shit

16.1K 516 101
                                    

Ayokong magustuhan ako ni Private. Kamumuhian ako ng buong pamilya niya. At isa pa, pareho kaming Gonzales. Pa'no 'yon?



Iniwan ako ni Private sa labas ng pintuan at siya naman pumunta ng parking lot. Hala pupunta yata ng Perez group of Companies 'yun ah.




Kagat kagat ko ang mga daliri ko. "Ako malilintikan nito kay Tara eh!" Wala naman kasi akong laban.




Mayaman siya, mahirap ako. Pa'no na jusko?!


Umuwi na lang muna ako sa amin pagkatapos ng insidenteng 'yon. Nakita ko si Erwin sa tapat ng bahay namin kasama ang kaibigan ko pang babae. Si Bea.




"Oh? Magg-gagabi na nakatambay pa rin kayo d'yan." aniya ko sa kanilang dalawa na nakaupo sa maliit na kubo sa labas ng bahay namin.




"Hahaha ayoko muna umuwi. Nandoon pa si nanay for sure uutusan lang ako maghugas ng pinggan nun." sabi ni Bea.



"Oh? Ikaw?" Tanong ko kay Erwin.



"Wala. Tengga lang dito. Naisangla ko kasi yung tricycle ko para sa amin. Wala ng pera eh. Meron ka ba d'yan, Misteng? Pautang naman!" Sabi niya sa akin.


Inirapan ko nga. "Wala rin ako. Pati tigla mo nga ako bespreng! Kakasimula ko pa lang sa trabaho." utas ko sa kanila't pumasok na sa bahay namin.



Nagmano ako kay nanay na nakahiga sa sofa naming de kahoy lamang. "May sakit po ba kayo 'nay?" Tanong ko tapos hinipo ko ang kaniyang noo. Hindi naman mainit.



"Wala anak, gusto ko lamang mahiga. Ang aga yata ng out mo?" Pumunta ako sa kusina't uminom ng tubig.



"May inasikaso lang po yata yung boss ko po."


Napaisip tuloy ako. Ano na nangyari doon kay Private? Pinuntahan niya kaya si Tara? Kinakabahan tuloy ako.


**


Pumasok ako ng opisina kinabukasan kahit sobrang kabado ako. Unang una kay Tara, sumunod kay Private.



Pero guess what kung anong sumalubong sa akin? Si Theo! Hala ang cute may kasama siyang aso.



"Misty!!!" Napapadalas na etong si Theo dito ah. Ano ba kasing ginagawa ng isang 'to dito?

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon