HP9 - The bet

18.5K 505 28
                                    

#TemptationOfPrivateGonzales DAW HAHAHAHAHAH HOY NATAWA AKO SA NAGTWEET NETO :((


**


Sinunandan ko si Private pababa. Ano bang problema nun? Napapakamot tuloy ako sa ulo ko kakaisip.


Pagkababa ko ng elevator ay nandoon si Private. Naglalakad back and forth.


"Private!" Tawag ko sa kaniya.


Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ako. "Misty. Let's eat. Follow me." Yun lang ang sinabi niya.


Parang iniiwasan yata ako neto?

'Di ko na lang pinasan 'yon. Sinundan ko na lamang siya papunta sa mini restaurant daw kuno nitong resort niya.


Pumasok ako doon. Wew! Mini pa 'to? Eh parang mansyon na nga sa laki eh. Tsk tsk. Iba talaga ang buhay mayaman.


"Private." Tawag ko sa kaniya pagkaupong pagkaupo ko sa tapat niya.


He just looked at me and obviously, he's waiting for my word. "Anyare sa'yo? Ayos na ba yung baba mo? Sorry ah. Ikaw kasi nanggugulat eh." Utas ko tapos tumungo ako.


"I just remembered someone.." Bulong niya ng mahina. Medyo hindi ko narinig.


"Ha?"


Tumingala muli siya at tiningnan ako saglit. "Nothing. Order your food." Tinakpan niya ang mukha ng menu.


Grabe 'tong lalaking 'to. Nagiging weirdo na. Tingnan mo naman yung mga kilos, hindi ko na maintindihan kung ano.


Umorder na kami ng pagkain namin tapos kumain ng tahimik. Umalis agad si Private pagkatapos kumain ako naman naiwan dito. Inuubos ko pa yung pagkain ko eh.


Iniwan niya sa akin yung susi ng room namin. Pupuntahan niya pa daw yung manager nitong resort.


"Iniiwasan talaga ako. Nakngteteng." sabi ko sa sarili ko.


Dumiretso na rin agad ako sa kwarto ko pagkakain. Nanood muna ako ng TV para hindi boring at hindi pa ako inaantok.


Maya-maya dumating si Private na lasing. Pagewang gewang siyang pumunta ng kusina. Tinitingnan ko lang siya habang kumukuha ng tubig doon.


Habang umiinom siya masama yung tingin niya sa akin eh.. WTF.


Pinatay ko na ang TV. Natatakot ako kay Private eh. Pupunta na sana ako ng kwarto ko nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Mas lalo akong natakot.


Hinaplos niya ang pisngi ko. Tumayo ang mga balahibo ko't bumilis ang tibok ng puso ko.


He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon