HP35 - I got you

14.5K 412 58
                                    

I immediately opened the envelope he gave me. Isang birthday invitation. Okay? He's really inviting me? Insane.



Umuwi na rin agad kami ni Travis sa bahay pagkatapos ng runway. Wala na kami masyadong gagawin doon eh.



Natulog na agad ako dahil naguguluhan ako kay Private. Hindi ko siya maintindihan. He kissed me on my cheek. Sinong hindi maguguluhan?



Mahal niya pa ba ako o si Cheska pa rin? I need a closure with him. A-attend na lang siguro ako bukas.



Ipinikit ko na ang mga mata ko dahil sa pagod at mabilis naman akong nakatulog. Nagising ako ng 5:34 ng umaga dahil sa iyak ni Travis sa crib niya. Pinatahan ko siya sa pamamagitan ng pagpapadede at hinele-hele.



Tumahan siya at nilapag ko muli sa crib nung nakatulog na. It's so stressing to be a mother. Natulog na ulit ako dahil kulang pa ako sa tulog.



Nagising ako mga 7 dahil umiiyak nanaman si Travis. Same old style para tumahimik siya. Kumain na rin agad ako ng breakfast ko pagkatulog ni Travis.



Nakita ko si Cheska na kakapasok lang ng bahay at pawis pawis ito. Nagjogging siya.



"Morning!" Bati nito sa akin at tinanguan ko lang.



"Cheska, invited ka ba mamaya?" I asked her.



"Sa'n? Party ni Private? Yep." Sabi niya bago uminom ng malamig na tubig. Kasama pala siya talaga. "Ikaw? Tara! Okay na ba kayong dalawa? Nakita ko kayo kagabi. Hinalikan ka pa niya diba?" Inaasar ako ni Cheska pero ngumiti ako ng pasimple.



Kinilig ako sa ginawa ni Private pero hindi ko pa rin maintindihan. Hindi ko mabasa ang nasa utak niya. Ano bang gusto niyang mangyari? Hindi ba siya galit sa akin? Sana naman magpaliwanag siya mamaya.


***



"Okay na ba 'to? Formal diba?" Tanong ko kay Cheska na nasa kwarto ko. Nagpapatulong kasi ako mag-ayos. Tiningnan ko ang sarili ko suot ang isang magarang itim na long dress.



Ewan ko ba! Marunong naman ako mag-ayos pero nagkaroon ako ng arte sa katawan ngayon. Alam kong nandoon si Tara kaya hindi ako papakabog. Maarte ang babaeng 'yon kaya for sure gusto niya siya bida doon.



"Chelsea, maganda ka na. Ano pang kailangan ayusin sa'yo?" Nakita kong tumawa si Cheska mula sa salamin. Nakaupo siya doon at tapos na mag-ayos.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon