Chapter One Hundred-Nine

1.6K 29 1
                                    

Cassie's POV

Para yatang nanlamig ako sa narinig ko.

Agad akong napahakbang palayo kay Carl, at tinanggal ko na rin yung pagkakahawak ko sa pisngi niya.

Nawala yata ang senses ko...

Binayaran?

Ni Ate?

Para... Paibigin ako?

Sh*t.

Totoo ba 'to?

Si Carl---este, CASPER (the friendly goat?? Ay, ghost pala haha) naman, ay mas lalo yatang nalungkot. Lahat rin ng nandito sa simbahan, natahimik.

Shocked.

"C-Cassie....look, naging kami ng ate mo, bago pa sila nagkakilala ni Ivan. She was my childhood sweetheart. Hindi mo siguro ako nakikita dati dahil busy ka pa noon sa school mo. Cassie, nang mag-break kami ni Cath dahil nga't mas mahal na niya daw si Ivan, kaysa sa akin, iniyakan ko yun. Naglayas pa nga ako sa bahay namin sa province para sundan siya eh. Ang kaso, ayun nga. Di ako pinalad na makita siya muli..."

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"...Tapos, nong nagkasakit si papa---"

"A-Akala ko, iniwan kayo ng Papa mo noong bata ka pa???"

"Hindi totoo yun, Cass. Ang totoo, itinago ko lang, at gumawa lang ako ng kwento. Kaya nga't noong nagkasakit si Papa, at wala kaming pampagamot, lumapit one day si Catherine, sabi niya, tutulungan daw niya kami sa babayarin sa ospital, in one condition..."

Yumuko na ako.

Ang sakit na rin eh..

"..Ang kondisyon na iyon, ay paibigin ka, Cassandra. Dahil noong mga panahong iyon, brokenhearted ka pa dahil kay Ivan. Sabi ni Cath, wag na wag ko raw hahayaang makuha ka uli ni Ivan, at palayuin kita mas lalo sa kanya. Dahil ang gusto ni Catherine, sa kanya lang si Ivan. Kaya sinet-up tayo ng ate mo dun sa elevator at sinabi sakin ang kailangan kong gawin para mahulog ka agad."

Si Ate.....

Ang sarap patayin.

Pero, nagulat na lang ako nang lumapit sakin si Casper at pinunasan ang mga luha ko. Umiiyak na pala ako.

"..kaya nga't, every week, nagkikita kami at ibinibigay niya sa akin ang pera kasabay ng weekly report ko tungkol sa estado ng relasyon natin. At oo, inilihim ko talaga ang pangalan ko, para sana kung sakaling iiwan kita, ay madali na kitang matatakbuhan."

Niyakap na ako ni Casper. Pakshet....

Anuman ang tawag niya sa sarili niya,

Siya pa rin ang Carl ko.

"Pero Cassie, a few months back, nagbago ang lahat. Natutunan na kitang mahalin. Kaya lang, gustuhin ko mang pakasalan ka sa mga sandaling ito... Alam kong mali eh."

Napangiti na lang ako,

"Kamusta na papa mo?" Mahinang tanong ko na lang.

"N-Namatay siya, last week...."

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Napamahal na rin kasi si Carl sakin eh. "I'm so---"

"No, Cassie. I'm sorry! Sorry dahil niloko kita. Sorry dahil---"

Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya nang hinalikan ko siya.

I feel, free..

Napangiti na tuloy siya, at ipinahid yung mga luha niya.

"I'm glad you told me the truth, CARL..."

"Cassie, puntahan mo na si Ivan..sa pagkakaalam ko, umalis na sila papuntang Baguio ngayon, at mamayang gabi ni Cath ni-reschedule ang kasal para lihim ito sa lahat."

Nanlalaki naman ang mga mata ko.

TALAGA NAMAN!!

Kaya ano pa ginawa ko?

Hinatak ko sina Ace at Dane at tumakbo ma papalabas ng simbahan.

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant