Chapter One Hundred-Five

1.2K 22 0
                                    

Cassie's POV

Bukas na ang araw ng kasal ko.

Actually, hindi ako sumama sa sarili kong bridal shower. Sabi ko masama pakiramdam ko at baka kasi maloka ako sa hinire nila. Hahaha XD

De joke.

Para kasing, may pag-aalinlangan ako eh.

Si Ace, wala naman ibinabalita sakin.

Si Dane busy kay Ace.

Si Carl, alam ko pumunta sa----

"Babe. Okay ka lang? May sakit ka daw?"

Bigla na lang pumasok si Carl dito sa hotel room ko. Mas malapit kasi kung mula dito sa hotel manggagaling bukas.

Nagfake smile na lang ako.

Ewan ko ba, di ko na talaga magawang mag genuine smile sa harap ni Carl beybeh ko.

"O-Oo..medyo sumama kasi pakiramdam ko."

Wala na talaga ako sa mood. Tumabi siya sakin, bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Babe...ayos ka lang talaga?"

Tumango ako at kiniss siya saglit.

Wala na yung spark.

"Oo! Teka, di ba dapat di mo ako makita ngayon? Nakahanda na naman na lahat para bukas ah? Si tita pala?"

Biglang nag-iba yung shade ng mga mata niya.

Sa mga nakaraang araw, pramis, nag-iiba na si Carl. Para siyang laging kinakabahan...di ko na alam.

"S-Si mama, dumating kanina. Nga pala, maaga pa tayo bukas. Matulog ka na, o-okay?"

Niyakap niya ako.

Ang higpit. Pakiramdam ko talaga may problema siya.

Bago siya umalis,

"Carl! May, problema ba??"

"W-Wala naman...sige. Bye."

Ni hindi niya ako nilingon nang sabihin niya iyon sakin.

Mas lalo tuloy ako nagtaka.

Carl.....ano ba ang meron?

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon