Chapter Six

8.5K 203 3
                                    

Cassie's POV

Nang makaligo na ako at nakabihis, ay nagpaalam na ako kay Carl.

"Carl, I'm going out. May pagkain sa kusina, ikaw na muna bahala ha?"

Tinanggal niya ang unan na nakatakip sa mukha niya at nginitian ako. A boyish smile that made my heart melt.  It's amazing how one smile can affect you in so many ways.

"Sure, Cass. Lutuan na lang kita ng almusal. Are you sure you're in a rush?"

Napangiti ako. He's really caring and responsible. Ngayon naaalala ko na kung bakit ko siya sinagot a year ago.

"O-Oo eh. Sige, bye na! I love you!"

At bago pa man siya makasagot ay kumaripas na ako ng takbo papalabas ng kwarto. Nakokonsensya ako. Maybe because hindi ko sinabi sa kanya na kay Ivan ako pupunta!

Hindi ko sinabi na ASSASSINATION MISSION itong 'lakad' ko.

Baka kasi sa sobrang good boy niya, ay ipakulong niya pati sariling girlfriend. Yup, I think he's capable of doing that. Naiimagine ko na nga ang scenario kung saan dinadalaw niya ako sa kulungan nang may hawak pang bulaklak eh.

Kawawa naman ako.

Namasahe na lang ako. Potek lang, ang layo ng main building chu chu nila!! Pababayaran ko nga kay Ivan ang pamasahe ko! Jusme. Abuso 'tong mga drivers na 'to eh. Kung may discount lang ang bawat commuter kada maghahagip kami sa traffic, malamang nabaon na sila sa utang! Buti na lang wala aketch pasok ngayon.

Imma call cener agen y'know.

Wala kaming T sa words. Policy yan. Hahaha!

At oo, time skip tayo para mabilis yung kwento, baka mainip lang kayo kung ide-describe ko pa ang mga bagay sa piligid ko.

Nakarating na ako sa building at yeah. Anlaki laki laki laki LAKI.

Imagine a 20 story building with shiny glass windows and a modern exterior design.

Seriously, kung ganito sana ang tower ni Rapunzel, malamang nag-elevator na lang yung prinsipe.

Ito ang Rivera Corp. Isa sa mga pinakamaunlad na kompanya sa bansa.

Mayaman kasi sila. Tapos usapan.

At syempre, I'm wearing something in between the lines of 'formal'. Dress lang naman, pero mukha na akong model. Not that I'm being boastful or anything, pero makinis naman ang legs ko. I have a petite figure and my long hair was pulled in a high ponytail.

At dahil sa super poot ko kay ex, hindi ko na pinansin yung staff and guards niya na tinatanong kung may appointment ako.

HELLO???? Hindi naman ito dental clinic ah!!

Dire-diretso lang ako. Kaya nang makapasok ako sa office ni Mr. Ivan Jacob Rivera,

There I saw my napakagaling na ex-boyfriend.

Nakikipag-lips to lips sa secretary niya.

I rolled my eyes, and restrained myself from calling the security.

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Where stories live. Discover now