Chapter Sixty-Nine

1.5K 35 0
                                    

Cassie's POV

Anu yun??? Nilinga (lalim!!) Ko ang paligid at may nakitang....AAAH! OMG!!

Hindi itech maaari!

...may piso!

Hahahah, joke lang. May dalawang babeng hinoholdapan. WET LANG!! Dalawa ba yan o salamin yung isa???

Batuhin ko kaya ng pisong napulot ko para malaman ko?? Tama!

Kinuha ko si piso at ibinato dun sa isang babae. "Aray!" Reklamo niya. Totoo nga! Kambal sila!! Hahahaha talino mo talaga Cassie!

Pinagbiyak na bunga ng kasoy lang!!

"HOY, IVAN! TULUNGAN MO SILA OH!! DALI NA----"

=_=

Pagtingin ko kay fafa Ivan, nakaearphones at kumakain ng XXXL POPCORN Habang BUMIBIRIT NG BANG BANG.

"Bang! Bang! All over you~~ I let you have it! Wait~hm hm hm hm hm~"

Wow. Nahiya aketch! Nanonood lang ng sine si Koya?! Kabadtrip ah!

"IVAN!!! JEJE BOOMERS!!"

"Ano?! Pakshet ka Cass, ang ganda ganda ng panonood ko dito eh!! At saka pag-beng beng ehehehehe..."

"TANGA! PENGENG POP CORN!!!"

"Ayaw."

"Peste. Damot mo! Ikaw may popcorn, ako wala?!?!"

Kahit na pandesal mo, ayaw mo i-share!! Share your blessings naman! Hahaha ansaveh?

"Hahaha! Hindi ako madamot noh! Eh sa naibigay ko na nga puso ko sayo Cass! Di pa ba sapat yun???"

=_= dapat ba kelegen aketch? Tsk. Paraparaan talaga ng ex ko oh! Tsk.

"HELP! HELP! HOY MAGSYOTANG NANONUOD LANG DIYAN!!! TULONG NAMAN DAW OH!!" sigaw ng isa sa kambal na nakikipag patintero sa holdapper.

Tanga ba siya?

Eh sa di nga si aketch marunong ng patintero eh!! Piko lang alam ko!! Pano naman kitech matutulungan?!

"HOY IBAN! Paka lalaki ka naman daw at tulungan mo sila!!" Sigaw ko sa ex kong FRUSTRATED JESSE J ang peg. Hahaha frustrated ba siya o sadyang CONSTIPATED lang??

Hahaha! Me is sho bad.

"T****na!! Tinatamad pa ako!! Ikaw na lang tumulong Cass! Binabae ka naman!!"

ANO DAW?!?!?!!??!

Sinamaan ko siya ng tingin. "Leche ka, pag tapos ko lang sa kanila, HUMANDA KA IVAN BAKA BALATAN NA KITECH AT GAWING CHICHARON NI MANG CARL!!!"

Nag-yawn siya. "Gora lang, Cassie."

Ah!! Minamaliit nya aketch ah! Shige, try naten.....mwahahhaha!

Ivan's POV

At sumugod na ang aking Amazonang Ex sa mga lalaki.

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!"

Kawawang mga buluga. Si Cassandra Montez yata yan eh. R. I. P. na lang.

Hahahha kahit nga ang poging tulad ko, tumitiklop diyan eh!

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon