Chapter Eighty-Seven

1K 25 0
                                    

Cassie's POV

Hindi ko na namalayan, na umiiyak na pala ako.

"C-Carl, pag-usapan na lang naten 'to, please?!"

Halos nagmamakaawa na ako sa kanya. Nilingon niya ako. Ang talim talaga ang mga titig niya.

"You have no say in this, Cassandra."

At doon na, para akong nag-snap.

"NO SAY?! HOY, CARL! KUNG TUTUUSIN NGA, IKAW ANG DAPAT NA MAGPALIWANAG!" Sigaw ko sa kanya. Si Ivan naman, parang hindi yata makatingin.

Kumunot yung noo ni Carl.

"Ano ang sinasabi mo?"

"TANGA! DI BA NGA NAGSABI KA PA NG I HATE YOU SA TEXT MO SAKIN?! TAPOS, HINDI MO MAN LANG SINASAGOT YUNG TAWAG KO?!"

Para naman yatang mas naging mahinahon siya ngayon. "Cass, nasa hospital ako! Kagagaling ko nga lang dun eh! At yung nag-text sayo, HINDI AKO YUN! Subukan mo kaya tanungin yang magaling mong Ex na nambugbug sakin?!"

Nanlaki naman yung mga mata ko. S-Si Ivan?

Nilingon ko siya. Mukha siyang...

Guilty?

"I-Ivan..bakit mo---"

"Ayusin niyo na lang yang problema nyo. Uuwi na ako." Sabi niya sabay lakad papalayo.

Hahabulin pa sana siya ni Carl, ang kaso, pinigilan ko na siya. Tapos, hinarap niya ako.

"Cassie, sa apartment mo na lang tayo mag-usap. May kailangan tayong mag-usapang mahalagang bagay."

At wala na nga akong nagawa noong kinaladkad na ako ni Carl pabalik sa apartment ko.

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Where stories live. Discover now