Chapter Five

9.8K 222 10
                                    

Cassie's POV

Gumising aketch---yup, masanay na kayo sa language ko. I breathe in some fresh oxygen and exhaled carbon dioxide. Pagpasensyahan niyo na, ganito talaga ang mga bagong gising na maganda! Humikab ako at medyo iniunat ang mga braso ko. Pusa lang, ganun.

"Good morning sa pinakasexy, pinaka-maganda at ang pinaka-Dyosa ng buhay ko...."

"Hindi mo naman siguro tinutukoy ang nanay mo?"

Tumawa nang bahagya si Carl sa sinabi ko. I can't help but stare at him. Minsan talaga, mapapaisip ka na lang kung bakit nagiging gwapo ang isang tao sa paningin mo kapag inlove ka.. Kahit hindi naman kagandahang lalaki, napapakilig ka na lang kada nginingitian ka niya. Hay buhay..

"Mahal kita, Cassie.."

I smiled. He's already an expert in making my heartbeat at ayun pa, kapag mahal mo kasi ang isang tao, banatan pa lang niya, ulam na. Ayan si Carl eh.

Yeah, sinuyo niya ako kagabi at niyakap ako habang tulog ako. Syempre naramdaman ko yun. At kung paanong panunuyo ang ginawa niya para paamuhin ako?

Well, let's just say that ang galing niyang mangharana. Para lang siyang nag-videoke. Ang sweet niya noh? Parang ham. Malasa. Oh, walang dirty minds!!! Palayasin ko kayo rito eh. Anyway, ngayon pa lang inuunahan ko na kayo, WALANG NANGYARI KAGABI. Hindi kami nagjak-en-poy o nagtumbang preso. Naglambing lang naman siya..

Hindi na ako galit sa kanya..

Ang galit ko? Parang gas na nagroll back kay IVAN.

Aba, at sisirain pa niya ang aking relationship ha!? Hindi ako makapaniwala sa kanya. Matagal ko nang kakilala yung lalaking yun, pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko na kaya niyang maging ultimate gago.

Ganyan na ba siya kadesperado?

Leche. Ako ba, sinira ko relasyon niya? Nag-react ba ako nung nahuli ko siyang may katext noon na limang babae, lahat iba-iba tawag niya at ka-ibayuhan niya?!

Di naman diba?! My ghad, I hate drugs!

Kahit nung mali pa yung tawag niya sa name ko, pinalampas ko yun dahil sa taglay na katangahan ko.

Oo, makakalimutin siya dahil sa SOBRANG dami niyang babae nung kami pa. Bilib nga ako sa memory card niya at nakakaya pang ihandle ang 'girl pictures' collection niya eh. And don't get me started with the videos!

At dahil sa SOBRANG gulo ng utak niya, tinatawag niya akong

KAREN,

CARMINA,

ALEXA,

ROSA,

ANA,

LOVELY,

CAMMY,

EBA,

MANANG LUSING.

Sabi sa inyo ang dami niyang babae eh. Pati yung tindera sa kanto, nilande. Sino ba naman ang hindi matataranta sa namumukod-tangi niyang pagmamahal? Ano 'yun? The more, the merrier? Jusmiyo marimar!

I shook my head at pilit na pinakalma ang sarili ko nang magsalita na si Carl..

"Baby, sorry talaga ha? Sana di ako naniwala dun sa lalaki........ilabyu."

Weeeeeeee.....kenekeleg aketch.....

Dear boyfriend, pwede bang paki-delay muna ang pagpapakilig mo? Nagpapabebe pa dapat ako eh! I kissed him on the cheeks and replied,

"I love myself, too."

Nagpout si Carl. I laughed sabay sabing "Joke lang!"

After that, tumayo na ako at nagpaalam. He looked at me in confusion. I just said,

"Babe, may papatayin lang ako ha? Samahan mo na lang ako sa lamay niya."

Tumango kahit na mukhang magbubuhol na ang mga kilay ni Carl beybeh ko.

I sent him a flying kiss and winked.

Wala naman na siyang naging reklamo.

Buti naman..

Pupuntahan ko lang si Ivan, na ang siyang hayop na CEO ng company nila.

***

Edited.10.30.16.

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon