Chapter Forty-One

2.3K 60 0
                                    

Doom's POV

"Uy! Pareng PakPak! Wag ka ngang magulo diyan!"

Peste tong mga pare ko.

"Eh, Doomy! Di ko makita pare!! Nakaharang yung pwet mo!"

"Pakshet! Wag nga kayong maingay!! Mukha na nga tayong mga unggoy dito sa taas ng puno!!" -Tikoy

Sinamaan namen siya ng tingin.

"Hoy, Tikoy!! May UNGGOY ba na ganito ang mukha?!" Sabay turo ko sa mukha ko with matching pogi sign.

"T***ne, YAN YUNG MUKHANG NAKIKITA KO SA ZOO EH!" -Tikoy sabay duro!

"G*GO!!"

"Psssssh!! Wag nga kayong maingay!! Baka marinig nila tayo." -David na nasa dulo na ng sanga.

Ay, oo pala. Naalala nyo yung umalis kaming lahat nang mawalan ng malay si pareng Cob???

KASAMA YUN SA PLANO!

HAHAHAHA! Ang daling paniwalain ni Cass!

Ang plano kasi, badtripin si Cassie sa isang chakang harana.

Tapos, kami hahawak sa kanya para MAS lalo pa siyang mapuno!!

Dahil alam ni Cob ang ugali nya, EXPECTED na namin yung pagbato niya ng heels kay pare!

Kaya ang plano pa, ay UMALIS kaming lahat, pati yung mga kinontsaba naming babae at beki para maiwan sila.

SUS! Maniwala naman kayong totoong nawalan ng malay si pareng Cob!

MATIGAS KAYA ULO NUN! Hahahah!

Kaya gising siya buong biyahe nila sa taxi ni lolo.

Yesh. Kasabwat si lolo ko na taxi driver. Hahaha!

Lahat ng yan, ginawa namin para makita ang kissing scene nila ngayon!! Hahaha!

O, diba??

Itcha SUCCESS!! HAHAHAHA!

Nandito kami sa taas ng puno at pinapanood kung pano si pareng Cob mag da moves sa babae niya! Hahaha!

Pero, ang wala talaga sa plano, ay yung pagpunta ni Ace dito. Aish. Hayaan na nga!

Basta ang mahalaga, nakakporma na si Ivan.

"EWW! Pareng Doom! Ikaw ba yung NAGPASABOG?!!??!"

"Leche! Para san pa't DOOM ang palayaw ko! Mga ungas!!"

Bababa na sana ako ng puno kaya lang, parang may nakita aking lalaking nakaitim na umaaligid kanina?

Tsk. Baka nag mamalik mata lang ako.

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Where stories live. Discover now