Prologue

26K 494 16
                                    

The Day My Ex Returned

*-*-*

Sabi nila, LOVE is LOVIER the second time around.

Bale, bigyan uli ng another chance ba?

Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko sa kamay at paa kung gaano karaming storya na ang nabasa ko tungkol sa second chances. It almost made want to believe in it again.

Pero, sabi nga nila.. may mga bagay talaga na magiging out-of-hand. Bakit ba kasi ang unfair ng mundo?

Eh, ako binigyan ko na siya ng SECOND, THIRD, FOURTH, at FIFTH time noon.. oo, tama ang nabasa niyo. I gave him all the chances I could give!

Tiniis ko ang pambababae niya. Tiniis ako ang lahat ng sakit na binigay ni Ivan.

Hanggang sa mahuli ko sila ng SISTER ko na nagki-kissing scene sa araw mismo ng 18th BIRTHDAY ko. Hindi ko alam kung aksidente ko ba silang nahuli or sinasadya nila talaga yun.

Oh, di ba? Ang saya-saya.

Tsaka lang ako nagising sa pagiging tanga. Wala na nga talagang lugar ang mundo ngayon para sa mga martyr.

Kaya't pumunta na ako sa Maynila at nag-move on. Kahit mahirap. Kahit nanibago ako. I was determined to show my ex what he wasted---or rather, show him I can be a better me.

At last!

After 3 long happy years of living my life and loving another man,

BUMALIK siya.

Sabi niya MAS love na daw niya ako ngayon at humihingi uli ng chance. Chance uli? Eh sa naubos na nga yata lahat ng numero sa kalendaryo sa dami ng chances na sinayang niya ah! Hindi pa na sapat yun?

At ako? Ang sagot ko sa kanya...

"Ano ako, tanga?"

***

Edited: 09.12.16

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Where stories live. Discover now