Chapter Eighty-Eight

1K 24 0
                                    

Cassie's POV

Kaloka na itech..

Hahahaha.. Hindi, seryoso na.

Nasa may sala na kami ngayon, at ako naman nakaupo lang dito sa sofa. Hinihimas yung pasa ko sa may braso.

Galing yan sa higit ng pagkakahawak ni Carl kanina.

Tulog na nga sina Mimi at Wiwi.

Ang magaling ko namang boyfriend,

"O, uninom ka muna ng tsaa."

Pumasok siya galing kusina na may dala-dalang dalawang tasang tsaa. Inilapag nya iyon sa center table at kinuha ko na yung isa. "Salamat." Mahina kong sabi at humigop na.

Siguro after ilang minutes pa of awkward silence....

"Cassie, lumayo ka na kay Ivan."

Tiningnan ko siya. Seryoso talaga si Carl. Para yatang lumakas yung kabog ng dibdib ko.

"A-Anong.....---"

"Eto."

May inilabas siya kulay brown na envelope at inilapag sa tapat ko. Bigla akong kinabahan pero kinuha ko pa rin iyon at tiningnan yung laman.

"Nakuha ko yan kanina sa mail box ko noong umuwi ako sa amin."

Nanlaki ang mga mata ko at para napipi ako sa nakita ko.

PICTURES.

Pictures, noong magkasama kami ni Ivan, sa bahay niya...

Noong panahon na, topless siya at hinalikan niya ako matapos nyang suntukin si Ace.

Pictures siya, sa iba't ibang anggulo nang naglapat na yung mga labi namin....

At alam kong hindi ko maitatangging hindi ako ito, dahil kitang kita na ako at si Ivan ito.

Base sa litrato, kinuhanan nito sa labas ng bahay ni Ivan, through the window.

May, nag-picture sa amin noong mga panahong iyon?

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon