Chapter One-Hundred-Six

1.3K 24 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa sasakyan.

Kasama ko si Dane, na tuwang-tuwa. Akala mo naman, siya ang ikakasal. Hmph!

"Hahahaha! I'm so happy for you, Cassie! Sa wakas, ikakasal na kayo ni Carl! OMG ako ninang ah??? Pero, wag naman masyadong maraming bata, baka mabutas bulsa ko nyan kada pasko!!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Yung totoo te!? Sino na ikakasal?? Kanina ka pa daldal ng daldal dyan ha!!"

Para naman yata siyang nagulat sa sinabi ko, kaya naman she eyed me closely.

"Cass, okay ka lang? Mukha kang stressed eh. Kasal mo ngayon! Ano ka ba??"

I sighed. "Pakshet, mukha ba akong okay?!"

"Eh, ano bang problema mo kasi!! Sheesh." Sabay roll niya ng eyes. I give up.

"Dane, naalala ko si......."

"Si Ivan? Jusko, Cassandra."

Napaiwas na lang tuloy ako ng tingin. Totoo naman kasi eh. Naaalala ko si Ivan, and I hate it.

I hate that I still love him kahit na ikakasal na ako kay Carl.

At mas lalong hate ko naman ang fact na kay Bruha sya ikakasal!!

Ugh....... Damn it.

Tinap ako sa balikat ni Dane. Napatingin tuloy ako sa kanya. Ngumiti siya. "Alam mo, Cass.. Sabi mo, kakalimutan mo na yang ex mo? Eh sa anong ginagawa mo ngayon? Tsk. Ang tanga mo talaga. Di kita gets.."

Napasmirk tuloy ako. "Wow ha. Parang ikaw, hindi ka nagpakatanga kay Rio!"

Yeah. That got her.

Nag-cross siya ng arms sa chest niya.

"Che! Well, atleast nakalimutan ko na yung mokong na yun at nahanap na si Prince Charming ko!!"

Aangal pa sana ako kaya lang....naisip ko. Tama siya.

May Ace na siya eh.

Ako, eto. Si Nakaraan pa rin ang minamahal at hindi ko man lang pinagtutuunan ngayon si future ko.

Tsk. Ang hirap magmahal!!

"Thanks, Dane ha? Laking tulong, best..." I smiled na. Mahirap na, baka masira make-up ko.

Teka.......

"Nasan nga ba ngayon si Ace?! Kasal ko ah! He's invited!!"

Nagkibit balikat si Dane.

Oh, damn Ace! Ano nang nangyare sayo??

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Where stories live. Discover now