Kabanata 33

1.1K 34 8
                                    

Obsessed***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Obsessed
***

He stood there against the setting sun which highlighted his manly form. He wore a black button-down, slacks and a pair of shiny leather shoes. Ang gwapo niya sa suot pero hindi ko magawang maipakita ang appreciation.

"Oh my gosh! What have you done to that kid?" maarteng akusa sa akin ng babae.

Pinigilan ko ang sariling umirap sa walang basehang akusasyon niya at nag focus kay Myara. Bakit ba magkasama itong dalawang ito?

Tumalim ang tingin ko nang maisip na baka inaya ni Gustave ang babae nang malamang hindi ako available. I immediately shook off that silly thought. Steffy is a family friend kaya natural lang na nandito siya. Sabay ba silang pumunta rito?

"What happened?" Naputol ang pag-iisip ko nang sumulpot si Huntleigh mula sa sliding door habang may hawak na dalawang towel. Presumably for the kids.

Umatungal si Myara at kumawala para lapitan ang mama niya. Si Grae ay nanatili sa pool at binati ang uncle na bagong dating.

Nakaramdam ako ng guilt habang pinapanood ang mag-ina.

I was supposed to be looking after them, and now, one of them got hurt. Who knows babysitting a preschooler is harder than handling a class of 50 college students.

Umahon na rin ako para lapitan sila nang biglang may sumipol. Isang lalaki sa likod nina Gustave na hindi ko kilala ang nakatingin sa akin habang nakangisi.

Hinablot ni Gustave ang towel sa sandalan ng sun lounger at inihagis sa mukha ng bagong dating.

"Shut your eyes if you don't want me to carve those," he warned dangerously, halatang iritado sa inasal ng lalaki.

Sunod ay walang sabi-sabi akong hinawakan ni Gustave sa kamay at hinila paalis doon. Ang halakhak lang ng lalaki at tawag ni Steffy sa pangalan niya ang narinig ko.

"When did your flight land?" tanong ko nang dalhin niya ako sa ikalawang palapag ng mansiyon. "That's not my room!" sabi ko nang buksan niya ang isang pinto.

"I know." Sinara niya iyon ay nilock. "Because it's mine."

Tumingin ako sa paligid habang unti-unti niyang tinatanggal ang buttones ng shirt na suot. Wala masyadong personalized na gamit doon... Siguro ay dahil hindi siya madalas dito.

He removed his shirt and displayed his washboard abs. Mas lalong nadepina ang tattoo niya sa leeg dahil may kaputian siya.

Lumapit ako sa kama at akmang uupo nang maalalang basa pa pala ang bathing suit ko.

"You didn't answer me. Anong oras ka nakarating sa airport?" I heard the clicking sound of his buckle belt. Nakatalikod na ako sa kanya ngayon at simpleng pinagmamasdan ang painting ng isang scenery sa pader.

"Kaninang ala una pa, love." My insides squirmed when I heard that endearment. He don't use that to me, kadalasan ay baby lang. Hindi ko pa rin siya hinarap dahil nangingiti ako.

A Gust Of Constellations (Cold City Series #3)Where stories live. Discover now