Kabanata 1

3.4K 63 9
                                    

Leonessa***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Leonessa
***

"Wala na kami! Iniwan na niya ako para sa babaeng mukhang kuhol na iyon!" umalingawngaw ang palahaw na iyon ni Reana sa loob ng ladies comfort room. Sa harap ng salamin ay panay ang iyak niya habang may tambak ng gamit na tissue sa sink. "Mga walang hiya sila!"

Napangiwi ako nang tumaas ang kanyang boses at nahihiyang ngumiti sa mga estudyanteng pumapasok sa C.R. Nanatili ako roong nakahalukipkip while leaning my hips on the marble sink counter. Ang babaeng pumasok ay parang gustong lumabas at lumipat ng C.R.

"Elaine, ano na ang gagawin ko?" she asked while sobbing. Feel na feel.

I rolled my eyes and didn't bother hiding that to her. I actually don't feel anything right now aside from boredom and annoyance. Nagtitiis lang ako ngayon dahil baka atakihin na naman siya ng kabaliwan.

This was the ninth time that she was like this. Palagi na lang niyang iniiyakan ang gagong on and off boyfriend niya na taga ibang school. Same issues nalang all the time, with her cheating boyfriend always being with another girl kahit na sila pa. 

Ewan ko ba sa kanya. Ang tanga lang! Binabalikan pa rin kahit ilang beses nang niloko. Isang taon nang ganito, sabi ko nga hindi na magbabago 'yung ex niya kaya magbago na lang siya ng lalaki.

At first, I was really sympathetic with her situation, but maybe that sympathy had gradually faded each time she allowed herself to be in the same situation again and again. It was like reading the same book and encountering the same ending. Hindi ba, nakakapagod na rin iyon? Nakakasawa?

"Elaine!" sigaw niya sa 'kin cuz I'm not paying any attention to her drama. Sawang-sawa na ang tenga ko sa mga laments niya.

I heaved and dropped my arms to my side. "What do you want me to tell you? Na hayaan mo na siya at mag move on ka na for real? Ilang beses ko na bang sinabi iyon sa 'yo, pero ginawa mo ba? Hindi! Instead, binalikan mo pa siyang gaga ka!" naiiritang sabi ko. Kaunti na lang talaga kukutusan ko na ito.

"Kasi naman, what do you want me to do? Mahal ko iyon, eh! He promised not to do it again."

"He promised not to do it again," I mimicked sarcastically. Ilang beses niya rin bang sinabi iyon sa 'kin? Gosh, natutulili na ang tenga ko sa kanya. Memorize ko na ang mga linyahan niya, I can even make a script and do a role play out of it.

"Bahala ka na kung susundin mo ang paulit-ulit kong payo sa 'yo. Pero kapag binalikan mo pa ulit ang lalaking iyon, huwag na huwag kayong babalandra sa harap ko. Masapak ko pa iyang lalaking iyan, eh!" Iyon lang at tumayo na ako nang maayos saka lumabas ng C.R.

"Elaine naman, eh!"

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa room para hintayin ang prof namin. Tumabi ako kay Ara, isa sa mga ka-close ko rito sa room. Madalas siyang tahimik at mas gustong nag-iisa. You know, the usual introvert that she is.

A Gust Of Constellations (Cold City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon