Kabanata 12

1.2K 41 1
                                    

Orange Juice***

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Orange Juice
***

Napatayo ako at itinabi ang doll na hawak. Mula sa likod ay umakbay si Uncle Ernest kay Gustave, ang asawa ni Aunty Georgette.

“Elaine, dumating din pala itong boyfriend mo! Kumain ka na ba?”

Umiling siya. “Hindi pa po.”

“Elaine, dalhin mo siya sa dining at nang makakain,” utos ni Uncle.

“S-sige, halika na.” Tumalikod na ako at tutungo na sana sa dining nang sumulpot sina Auntie. Napa buntong-hininga na lang ako at halos mapa face palm. Dapat talagang hindi na siya nag punta dito, eh.

Gulat siyang napatingin kay Gustave. “Elaine.” Auntie gave me a knowing look, while wearing a giddy smile. Na parang ipapa kilala ko siya sa crush niya. Ugh! You look young pero hindi mo bagay, Auntie!

“Auntie, si Gustave po. My b-boyfriend,” halos hindi lumalabas sa bibig ko ‘yung salitang boyfriend. Kailan ba ako masasanay?

“Good evening, ma’am! Kasper Gustave Reanzares,” he introduced himself respectfully yet very formal na parang nagpapakilala sa isang potential client.

“Huwag mo na akong tawaging ma’am! Hindi kita estudyante. Call me Auntie Georgette just like Elaine does here.”

He smiled politely that made his face more angelic. “I’ll remember that, Aunty Georgette.”

Mahina akong hinapas ni Auntie na parang kinikilig. Sinulyapan ko si Gustave at nahihiyang ngumiti. Siya naman ay tila naaaliw na napa ngisi.

“Ang swerte naman pala nitong Elaine namin. You’re so respectful, hijo.”

“We're both lucky with each other.”

Pinandilatan ko siya dahil mas lalong nag hysteria si Auntie as sinabi niya. Kailangang bumanat?

“Uhm, Auntie, kakain na po siya," ani ko para makatakas doon.

“Oh, okay. I’m sorry, Gustave. I was just really excited to meet the man who finally caught Constancia. Hala, Elaine, asikasuhin mo na ‘yang boyfriend mo. Labas kayo sa garden after, okay?”

“Opo,” kalmadong sabi ko pero bored na bored na.

Tumalikod na ako at sumunod siya. “I’m sorry for that,” I said when we’re alone in the confinement of the dining.

“Sorry for what?” medyo nakakunot-noong tanong niya.

“For her behavior. Cringe ba?”

Doon siya biglang natawa. “Hindi. Ayos lang. She’s funny and I like it.”

“Ganoon ba. Pero ano ba'ng ginagawa mo rito? Saka paano mo natunton itong bahay?” Malakas ang loob kong magtanong-tanong dahil kami lang ang nandoon. Ang mga kalalakihan ay sa harap ng bahay nagkukumpulan at ang mga kababaihan naman ay nasa garden.

A Gust Of Constellations (Cold City Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora