Kabanata 17

1K 35 1
                                    

Brazen ***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Brazen
***

Alam kong lahat kami ay nagulat pero walang nagsalita. Anyare doon?

Ilang saglit pa ay muling bumukas ang gate nang dahan-dahan. Na para bang takot na takot ang nagbubukas niyon.

Sige, Ara, bagalan mo pa. Baka need mo ng buong taon. Willing maghintay si Alpha sa 'yo, haha.

Bumungad si Ara na may nahihiyang ngiti.

"Uhm, pasensya na. Medyo may sira na kasi ang gate namin," aniya.

Tumingin ako sa gate at alam ko agad na nagsisinungaling siya. Ilang beses na akong nakapunta rito at alam kong walang sira ang gate niya.

Ngumiti na lang ako pabalik at inintindi siya. Maybe she was just surprised na makita kami doon nang walang paalam. "Ayos lang, pwede ba kaming pumasok?"

"S-sige, pasok kayo." Nilakihan niya ang gate kaya nauna akong tumuloy.

Dumiretso na ako sa loob dahil alangan namang hintayin pa namin siya.

Huntleigh grazed her eyes over Ara's house with wonder in her eyes. Na para bang ngayon lang siya nakakita ng ganitong bahay.

The house is bungalow style and most of it was made of varnished hardwood. Simple lang din, hindi puno ng gamit, 'yung mga essentials lang dahil mag-isa lang naman siya rito. Ang alam ko ay distant relative niya ang may-ari nitong bahay kaya libre siyang tumitira rito.

Pumunta ako sa kitchen at ibinaba roon ang mga pagkain. 

Pumasok sina Evry na naka medyas lang. Tinanggal talaga nila 'yung sapatos nila? Pagtingin ko kay Hunt ay ganoon din siya. Naka korean socks lang.

Medyo nahiya tuloy ako na ako lang nagpasok ng sapatos ko kaya lumapit ako sa may pinto at pasimpleng tinanggal ang shoes ko.

"Ano ba 'yan, Solomon! Bakit ka nagtanggal ng sapatos? Nangangamoy na tuloy dito," pang-aasar ko. Feel na feel talaga ang paglakad, akala mo ngayon lang nakalakad sa sahig na gawa sa kahoy.

"Ano'ng pinagsasabi mo riyan? Ako kaya may pinaka mabangong paa rito, baka sa 'yo ang naaamoy mo," balik niya and lifted his foot toward me.

"Aaah! Lumayo ka nga, kadiri!" tili ko na tinawanan lang niya at sinunod pa talaga sa akin.

"Ara, we brought food and medicine for you, pwede ko bang galawin ang mga gamit mo rito?" mahinhing tanong ni Huntleigh.

"Sure, feel at home lang. Upo kayo," sagot niya.

The guys find their own spot while I made to the kitchen at nilabas ang mga pagkain sa mga plastics nila.

May tumabi sa akin at tinulungan akong ilabas ang mga pagkain. Huntleigh was busy rummaging Ara's kitchen cupboard, Alpha's talking to Ara and Evry was meddling with the T.V. set.

A Gust Of Constellations (Cold City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon