CHAPTER 49: Simula

5 1 0
                                    

-Natasha


Ang kaninang punong-puno ng mga tao ngayon ay wala na, ang pamilya ko hindi ko alam kung na saan.

"H'wag niyo siyang pakakawalan!!" sigaw ng Hari habang hawak hawak ang Reyna kaya kahit ramdam ko na ang pagod patuloy lang ako sa pakikipag laban sa mga kawal na ito.

"Bakit ang hihina niyo?" nakangising tanong ko sa mga kawal at tatlo tatlo naman silang sumugod pero ni isa sa kanila hindi ako magawang matalo.

Napatigil naman kami sa pag lalaban ng may mag paputok ng Baril at ganoon na lang ang saya ko ng makita si Zk at ang mga Wijffels Clan Yes! Safe si Prof Agustin!!

Nakita ko rin ang mga Ichika at hawak sila ng mga kawal ng Tostevin Heirs Palace tapos bigla naman akong naalarma ng may mga nag palipad na ng Palaso put4! Ginawa ko ang best ko para hindi ako mataan ng palaso habang nakikipag espadahan sa mga kawal ng Hari.

"H'wag kayong makisali sa gulo at 'yan ang ipinag uutos ko!!" sigaw ng Hari at masama namang tumingin sa kanya si Zk

"Wala kang karapatan na utusan ang kahit sino sa amin dahil sisiguraduhin ko sa 'yo na simula sa araw na ito matatagkal ka na sa p'westo" at saka naman hinarap ni Zk ang baril niya sa Hari ngunit dahil parami ng parami ang mga kalaban hindi niya ito nagawang barilin. Dahil sa palipat lipat na tingin ko sa mga kasama ko napasama ang pag atake ko at natalo ako ng kalaban ko dahilan kung bakit ako natumba, nang muli niyang itutusok sa akin ang espada agad namang akong umikot pakanan para kuhanin ang espada na nahulog at nang muli siyang umatake sakto na naisangga ko ang espada.





-Kaisuke


Bawat salitang binibitawan ni Natasha ay damang-dama ko ang galit niya, ngunit walang nakapag pigil sa kanya ng itapon niya ang kutsilyo papunta sa Reyna dahilan kung bakit nagalit ang Hari.

"Mukhang ito ang sinasabi niyang Bagyo" sabi ng ikaunang Tagahatol

"Mukhang hindi nabago ang Propisiya, panigurado magiging madugo na naman ang labanan na ito" sabi naman ng ikatatlong tagahatol

"Samahan mo ako Kaisuke kukuhanin natin ang pampakalmang binigay sa akin ng Doctor niya" sabi naman ng aking Ama

"Sasama kami sa inyo, wala rin naman kaming magagawa para iligtas o pigilan ang gulo na ito" sabi ng ikalimang tagahatol at sabay sabay naman kaming pumunta sa Mansion.

"Simula pa lang sinabihan na kita Daisuke 'wag mo nang gawin ang ekpiramintong 'yun dahil maaaring makasama 'yun hindi lamang sa bata kundi para sa ating lahat" sabi ng ikatatlong Tagahatol

"Hindi ko naman akalain na magiging ganon si Natasha, saka hindi ito ang oras para sisihin kung sino ang may sala, kailangan tayo ng Hari" sagot sa kanya ng aking Ama

"Ikka-ka no shikō!!" (supreme of the Ichika family) biglang sigaw ng Ikaunang Tagahatol

"Talaga bang wala kang pakialam sa Magomusume mo?! Mas pipiliin mo pa bang iligtas ang Hari kesa sa sarili mong kadugo?! At ikaw Kaisuke! Hahayaan mo na lang na mag isang nakikipaglabanan ang sarili mong anak sa mga kawal na 'yun?!" umiling iling naman ang Ikaunang Tagahatol

"Tandaan niyo kayo ang dahilan kung bakit siya nag kaganon at kung bakit niya nilabag ang batas ng pamilya niyo kaya mag isip kayo ng maayos bago niyo kampihan ang alam niyong Tunay na kalaban" pagpatuloy niya bago kami talikuran

"Tama ang ikaunang Tagahatol. Alam niyong una pa lang may mali na pero pinagpatuloy niyo pa rin at sa oras na malaman ito ng kabilang Palasyo alam niyo na mas magiging madugo pa ang labanan na ito at panigurado na may mga sibilyan na naman na madadamay" iling-iling na sabi ng Ikatatlong Tagahatol at sinundan na ang Ikaunang Tagahatol pero hindi pa siya nakakalabas ng Pintuan ng silid ng aking Ama pumasok na nakataas ang kamay ang Ikaunang Tagahatol kasunod noon ang pag pasok ng Reyna ng Tostevin Heirs Palace.

WHEN MISS NATASHA MEET THE GANGSTER (COMPLETED)Where stories live. Discover now