CHAPTER 45: TAKAS

9 0 0
                                    

"Psst, Ash" akala ko na nanaginip lang ako na mayroong tumatawag sa akin pag mulat ng mata ko nakita ko si Apollo na nababalot sa itim na kasuotan kaya lumapit naman ako sa pintuan ng Hawla

"Anong ginagawa mo dito? At bakit ka na andito?" nag tatakang tanong ko

"Shh, 'wag kang maingay baka marinig tayo ng mga bantay, hindi nila ako napansin na dumaan kaya itahimik mo ang bunganga mo" naguguluhan man sinunod ko ang gusto niya at pinagmasdan siyang gisingin si Tito Agustin

"Anong ginagawa mo? Pag nahuli ka mapaparusahan ka" inis na sabi ko sa kanya

"Subrang gulo na ng palasyo at ikaw ang inaasahan ng Karamihan. Habang wala ka marami ang namamatay sa mga maling paratang ng mga Tagahatol, ikaw ang may tunay na kapangyarihan at masasabi ko na ikaw rin ang mag papabago ng Batas ng Palasyo. Ikaw ang Pinakamataas na Ranggo at umaasa kami sa 'yo" gusto ko siyang yakapin dahil sa sinabi niya ngunit mas pinili ko na suntokin siya, tumingin ako kay Tito Agustin at ngumisi sa kanya at tumango naman ito sa akin. Nang tuluyan na kaming makalabas sa kulungan kinuha ko ang kamay ni Tito Agustin

"Naalala mo pa ba kung saan ako palaging nag lalaro?" tanong ko sa kanya at kumunot naman ang noo niya bago tumango

"May mapapansin ka d'on na napapalibotan ng damo buksan mo 'yun at d'on may makikita kang lagusan, isa 'yung tunnel may mga palatandaan na doon kung saan ka dadaan at ang pinakalabas n'on ay Dagat. Pag nakalabas kana kumaliwa ka at lakarin mo 'yun hanggang sa marating mo ang bayan" sabi ko at tumango naman siya

"Naito 'yung Passport mo" singit ni Apollo at tiningnan naman namin siya

"Kinuha ko 'yan sa opisina ng kataas-taasan" pahabol niya at kinamot pa ang batok niya

"Puntahan mo ang Reyna ng Tostevin Heirs Palace at sabihin mo na nagsisimula na ang bagyo" tumango siya sa akin at hinawakan ang kamay ko sabay luhod

"Mag iingat ka Pinakamataas na Ranggo at maraming salamat sa iyo Apollo Uxihara" muli siyang tumayo at nag bow sa amin

"Mag iingat ka rin Tito Agustin" at pareho kami ni Apollo na nag bow sa kanya

"Syempre dala ko rin ang paborito mong espada" ngumisi ako sa kanya at nauna nang mag lakad kinalabit ko ang isang kawal at ngumisi sa kanya

"Kon'nichiwa" sabi ko rito at pinugotan ko ng ulo gamit ang aking sandata at pinagmasdan ko naman si Apollo na patayin ang isa pang bantay

"Hanggang dito na lang mag hiwa-hiwalay na tayo" sabi ko at kami naman ni Apollo ay kumaliwa habang si Tito Agustin ay dumaan kung saan walang mga bantay o hindi halos dinadaanan ng mga kawal.

Sabay kaming tumatakbo ni Apollo kung saan papunta sa bahay ng mga Ichika.

"Bakit mo kami tinulungan?" tanong ko sa kanya

"Dahil hindi lang kita pinsan, kundi isang kaibigan at ikaw ay aking iniidolo kaya isang saludo para sa 'yo Pinakamataas na Ranggo" bahagya naman akong tumawa sa sinabi niya napawi lang ng makita namin ang anak sa labas ng aking Ama

"Sabi na nga ba ika'y isang Traydor!!" sigaw nito

"Bakit sino ka ba para sundin ko?" sagot sa kanya ni Apollo at hinanda ang espada niya at ganon din naman ang ginawa ni Ariel at ng mga kasama nitong Kawal

"Nasisiraan ka na ng utak, alam mong kamatayan ang kaparusahan sa oras na Traydorin mo ang Pamilyang Ichika" sabi ni Ariel

"Mas pipiliin ko na Traydorin ang pamilyang ito kesa talikuran ang Pinakamataas na Ranggo. Mas pipiliin ko na Mamatay mailigtas lang ang Babaeng mag wawakas ng Kasamaan niyo. Mas pipiliin ko na talikuran ang Pamilyang Ichika kasi alam ko na tama ang ipinaglalaban ko." umikot si Apollo para sanggain ang dalawang kawal na sumusugod sa amin, nawawala ako sa sarili ko pero hindi 'yun hadlang para labanan ang mga hampas lupang ito.

WHEN MISS NATASHA MEET THE GANGSTER (COMPLETED)Where stories live. Discover now