CHAPTER 34: Samebreak (Part 3): End Game?

10 0 0
                                    

NATASHA P. O. V–



    May iba akong nararamdaman. Feeling ko may sumusunod sa aming magkakaibigan. Hindi ko 'yun pinahalata kahit kanino, pero napapansin ko na kanina pa tahimik sina Pros. Para bang pare-parehong nag papakiramdaman.

"Guys ba't ang tahimik niyo?" tanong ni Luna sa 'min, Ngumiti lang ang iba sa kanya at tiningnan ko lang naman siya. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na bumungad sa 'kin ang mukha ni Brayden, napailing naman ako dun.


Me:

"Pros, i-uwi niyo na si Luna. May tatapusin lang ako" text ko sa kanya at  napansin ko naman ang pag tingin niya sa 'kin

Pros:

"Ok, take care Natasha" reply niya.


"Luna uwi na tayo" aya nito kay Luna at nakisabay naman ang iba kay Pros.

"Eh kayo Natasha?" tanong ni Luna

"Susunod kami" sagot ni Brayden kay Luna, tumingin sa akin si Luna at tanging tango lang ang nasagot ko sa kanya may spoke person na ako bakit pa  ako sasagot?

"Ok tara na" nakangiti at inosinteng aya nito sa ibang grupo, agad naman kaming pumasok sa isang maliit na iskinita at tumakbo sa mag kakaibang direksyon.

"Nasan na sila?" rinig kung tanong ng isang lalaki na halatang kami ang hinahanap. Peke akong umubo at biglang lumabas sa lunggang pinagtataguan ko at nang tingnan ko si Brayden halatang naiinis siya dahil nanguna-nguna ako

"Ako ba ang hinahanap niyo?" naka poker face na tanong ko sa limang lalaki na malalaki ang katawan. Isang ngisi naman ang binigay nilang lahat sa akin.

"Mas maganda ka pala sa malapitan" sabi ng lalaki na pula ang buhok

"Nasa lahi namin 'yan" nakangising sabi ko at agad na umusog paurong para bumwelo sa isang lalaking pasugod, tumagilid ako at kinuha ang kaliwa nitong braso at pinilipit na s'yang nag paaray sa kanya, sumugod naman ang dalawa pa agad ko namang sinikmura ang naka sando na lalaki, sinampa ko ang dalawang binti ko sa leeg ng isa pang lalaki na sumugod at agad na pinaikot ito na siya ring nag patumba pareho sa amin.

    Nakita ko ang paglabas nina Black sa pwesto nila habang si Brayden hinarang ang sarili niya sa akin nang biglang may tinapon na basurahan ang nakasandong lalaki.

"Kilala ko kayo" biglang sabi ni Brayden  na halata pa lang sa boses niya ang galit.

"Anong ginagawa ng mga Redxiety na katulad niyo dito?" tanong naman ni Harold pero imbis sagotin nila ito  sumugod sila at hindi inalintana kung mananalo ba sila sa laban na ito o matatalo. Pero kung ako ang tatanungin? Hindi mananalo ang mga gunggong na ito. Ang mga Mukong ba naman ang labanan? Ang BFG o Black Fatum Gang ang nangunguna sa lahat ng mga Gangster kaya hindi na ako mag tataka kung di matalo-talo ang grupo na ito.

   Umikot ako at tinaas ang aking paa at agad ko namang nataman ang panga nung lalaking pinaka malaki ang katawan at ito ang dahilan kung bakit  siya natumba.

"Umalis na kayo. Wag kayong manggulo sa lugar na ito. Hintayin niyo kaming bumalik at mag tutuos tayo" mariin na sabi ni Brayden at d'on naman agad na nag sitayo yung lima. Tapos nang makalayo sila masamang tingin ang binigay sakin ni Brayden.

"What?" mataray na tanong ko sa kanya  pero hindi niya ako sinagot bagkus galit s'yang tumalikod at nag lakad palayo. Nag kabit balikat na lang ako at sumunod na sa kanila.

     HAPON na pero hanggang ngayon 'di parin ako kinakausap ni Brayden Bakit kaya?

"Luna sa tingin mo bakit wala sa mood si Brayden?" tanong ko dito

"Ewan ko din eh, hirap daw tuloy kausapin nina Pros si Brayden ano ba kasi ang nangyari kanina?" tanong niya did I make him disaponted? Tsk

"Hey" tawag ko kay Brayden. Gabi na pero hanggang ngayon nasa labas pa rin siya napapano kaya itong Hari ng mga mukong na ito? Kinalabit ko siya pero hindi pa rin niya ako pinapansin kaya nainis na ako.

"What's your problem ba?" kunot noong tanong ko at kunot noo din naman niya akong tiningnan, mukhang may sasabihin siya pero mas pinili nyang hindi ito ituloy

"Bahala ka nga sa life mo!" Inis akong tumalikod at pumasok sa bahay nina Luna, nakaka isang hakbang pa lang ako sa hagdan may naramdaman na akong humila sa akin at syempre walang iba kundi si Brayden.

"What?!" Inis na tanong ko

"I'm sorry.  I was just enraged by what you did. What if you were hurt?" napakurap ako nang sabihin niya iyon, hinaplos niya ang buhok ko na syang nag palunok sa akin iba talaga ang epekto niya sakin!

"Ayaw kung nasasaktan ang Reyna ko. Natasha kahit ikaw pa ang pinakamalakas kailangan mo pa ring ingatan ang sarili mo. Wag kang basta-basta susugod. Paan-"

"Gusto kita" biglang sabi ko na s'yang nag patigil sa kanya.

  He change me. He make my life more colorful. And I will keep this Man. I already  fall for him. I like him end of discussion.


BRAYDEN–


    Nakakainis si Natasha! Nanguna-nguna! Paano kung tinamaan siya nung basurahan?! Paano kung nasaktan siya?! Argh! Yeah she is Natasha nga pala and no one can beat her blah! blah!

"Hey" bigla akong natigil sa kaiisip sa nangyari kanina nang bigla akong kinalabit ni Natasha don't come near me Natasha! Baka mamaya bigla kitang mayakap bigla!

"What's your problem ba?" tanong niya, nang tingnan ko siya nakakunot ang noo niya. 'tsk! Gusto kung sabihin sa 'yo na naiinis ako sa 'yo! 'Yun Natasha! Nakakainis kana!' pero mas pinili kung manahimik dahil ayaw ko s'yang saktan gamit ang aking mga salita

"Bahala ka nga sa life mo!" Pipigilan ko pa lang siya nang bigla na s'yang tumalikod sa akin kaya bumuntong hininga muna ako bago siya sundan at kuhanin ang braso niya

"What?!" Inis na tanong niya

"I'm sorry.  I was just enraged by what you did. What if you were hurt?" sabi ko sa kanya na syang nag pakurap sa kanya sabi ko kasi sa 'yong wag mo akong kausapin eh  dahil alam kung ako din naman ang susuyo sa 'yo. Dahil Natasha hindi kita kayang tiisin. Mahal na nga talaga kita Natasha.

"Ayaw kung nasasaktan ang Reyna ko. Natasha kahit ikaw pa ang pinakamalakas kailangan mo pa ring ingatan ang sarili mo. Wag kang basta-basta susugod. Paan-" biglang naputol ang sasabihin ko nang biglang mag salita siya.

"Gusto kita" napatigil ako sa sinabi niya A-ano daw?  G-gusto nya ako?

"Gusto na kita Brayden" Hindi ko alam kung paano nangyari pero bigla ko na lang s'yang nahila at  sa hindi namamalayan lumapat na ang labi ko sa labi niya. I kissed her and she kissed me back. and this is the best Samebreak ever!!!







WHEN MISS NATASHA MEET THE GANGSTER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon