CHAPTER 22 - Pain

11 1 0
                                    

- Natasha P.O.V -

Siguro dalawang minuto na ang nakalipas pero na andito pa rin kami ni Brayden sa loob ng kotse niya. Kinuwento ko ang lahat ng nalaman ko kay Ms. Rachelle Hunt kanina. Pinunasan ko ang luha ko bago humarap sa kanya na umiiyak din pala.

"Bakit ka umiiyak?" kunot noong tanong ko na medyo natatawa pa

"Kasi nakaka iyak yang buhay mo" sagot niya tumawa ako ng bahagya bago suminga sa tissue na binigay niya.

"Thank you for listening. Thank you for the ride, drive safety" sabi ko at ngumiti ng bahagya sabay labas na sa kotse niya. Kumaway ako sa kanya tapos ngumiti naman sya sakin.

"Good night" sabi niya

"Good morning" sabi ko naman tsk hindi nag aalam ng oras ala una na kaya tumawa naman siya sa sinabi ko

"Pasok ka na" naka ngiting utos niya

"Umalis ka na muna" utos ko din pabalik

"No, pasok ka na muna" sabi niya kaya napa ngiwi ako sabay erap at pag pindot ko sa doorbell sigundo lang ang naka lipas automatic na bumukas ang malaking gate, muli akong tumingin sa kanya na syang naka tingin din sakin ngumiti ako sa kanya at ngumiti din naman siya sakin my heart!

"Natasha bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong ni Tita

"May nang yari ba sayong masama?" Tanong ni Tito

"Anong nang yari sa 'yo Ash?" Tanong ng pinsan ko

"Apo.." at dahil sa tawag na yun ni Lola na kamukhang kamukha ni Mommy nung dalaga pa siya naiyak na naman ako, hanggang sa ayon na tumulo na naman ang luha ko.

Umiyak ako sa harap nilang lahat. Umiyak ako sa harap nila.

"I'm sorry. Sorry po Lola, sorry Lolo, sorry sa inyong lahat" umiiyak na sabi ko. Panigurado lahat sila nagulat dahil umiiyak ako sa harap nila dahil alam nila na isang patak ng luha, kapalit ay parusa.

"A-anong problema mo Natasha?" tanong ni Tita Carla yung babaeng nag bigay sa 'kin ng kwentas

"Apo.. bakit ka humihingi ng tawad?" tanong ni Lolo na mas lalong kinaiyak ko

"I miss my Mommy.." tanging sagot ko na lang at naka yukong umiiyak. Inalalayan ako ni Lola na maka upo sa sofa

"Ikaw ang nag sabi sa 'min na wag kaming iiyak dahil hindi na mapupunasan ni Niashalia ang luhang pumapatak sa aming mga pisngi. Pero bakit Ikaw ngayon ang umiiyak?" tanong ni Lola pero hindi ko naman siya sinagot

"Amoy alak ka Natasha" sabi ni Tito Neo

"Uminom ako ng alak eh" sagot ko at napa sapok naman siya sa noo niya

"Ano bang problema Ash?" tanong ni Lolo

"Alam niyo po ba kung sino ang pumatay kay Mommy?" tanong ko habang naka yuko pa din

"Pumatay? Natasha namatay ang mommy mo dahil sa sakit" sabi ni Tita Niña kaya napa tingin ako sa kanya

"Sino ang nag sabi?" tanong ko

"Ang daddy mo" sagot ni Tito Neo pati sa pamilya ni Mommy nag sinungaling kayo, mga wala kayong awa.

"May sakit si Mommy? HAHA sana nga sakit na lang ang ikinamatay niya" umiiyak na sabi ko hanggang sa pumiyok ako

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni Lola kaya tumingin ako sa kanya habang umiiyak ako

"I love you po. Sana po mapatawad mo ako. Sana mapatawad niyo akong lahat" sabi ko at pinunasan ang luha ko at tumayo na pero subrang sakit na nang ulo ko. Subrang hapdi na nang mata ko. Subrang sakit na nang puso ko. I want to rest. I want to sleep. I want to see my Mom.

And then everything went black...




- Brayden P.O.V -


MAKITA si Natasha na umiiyak napaka hirap. Pero ang mas mahirap ay ang pinag daanan niya simula bata siya hanggang sa maging pinaka mataas na rango siya ng bansa niya (Japan) . Pero ang mas mahirap daw na nangyari at nangyayari sa kanya ay ang nangyari sa Mommy niya.

"Nag kita lang kayo ni Chole umiyak ka na" sabi ni Kyle

"HAHAHA oo nga HAHA bakit ka umiiyak?" tanong ni Brax. Lahat sila nandito sa sala mga gising pa

"Hindi si Chole ang dahilan" matamlay na sagot ko

"Eh?" sabay-sabay na sabi nila

"Nakita ko si Natasha sa bar" sabi ko ulit na syang kinagulat nila

"We talk. We cry. Now I know kung bakit siya masyadong cold. Alam ko na kung bakit siya ganon. Napaka hirap ng pinag daanan niya" sabi ko at umupo sa sofa

"Talaga ano yun? Kwento ka naman" sabi ni Harold

"I promise to her na hindi ko sasabihin kahit kanino. Hayaan nin'yong siya ang mag share sa inyo" sabi ko at tumayo na at pumasok sa kwarto ko.

World is fair, Life is not fair. Mag kakaiba tayo, mag kakaiba rin ang pinag dadaanan natin. Ibat-ibang sakit ang nararamdaman natin at ibat-ibang saya rin ang nararamdaman natin.

"I hate being Ichika" emotional na sabi niya. I can't believe that The cold hearted woman is crying because her Family betrayed her. Sabagay sino ba naman ang hindi iiyak kapag sarili mong pamilya ang nanloko sa 'yo? Pero hindi ko talaga naisip na may ganon pala talagang pamilya. 'Yung hindi ka nga nila sasaktan pero lulukohin ka naman nila. Pero ilang ulit nyang tinanong ang sarili niya sino ba ang paniniwalaan ko? Ang pamilya ko o ang sinabi ni Ms Rachelle at ang binigay nyang sulat na galing kay Mommy? Sino ba ang nag sasabi sa kanila ng totoo? Sino ba ang dapat kung paniwalaan? Sino ba ang dapat kung pakinggan? Ang utak ko o ang puso ko? N'ong time na tinanong niya ako nang ganyang tanong hindi ako naka imik dahil hindi ko din naman alam ang sagot. Kasi siguro kung ako din ang nasa kalagayan niya mahihirapan din akong mamili.

"You look handsome when your hair is wet. And I love it" tsk kakaiba talaga yung babae na yun. Kaya pala sa tuwing papasok ako ng room o sa tuwing papasok siya sa room hindi mukha ko ang tinitingnan kundi ang basa kung buhok.

"Subete ni kansha shimasu" anong ibig sabihin kaya nito? Matanong nga bukas si Prof Agustin.

Kumusta na kaya siya? Ok lang kaya siya? Hayst sana pumasok siya bukas.











WHEN MISS NATASHA MEET THE GANGSTER (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat