CHAPTER 25 - Mission

11 1 0
                                    

- Natasha P.O.V -

(A/n: lenggawahe nila ang gamit nila here. This is just a fictional thank you for reading♥)


"APAT na taon ang nakararaan, sino ang sumakop sa emperyo?" kunot noong tanong ko kay Prof gamit ang aming lenggawahe (Japanese Language)

"Ang alam ko ang mga Wijffels ang sumakop n'ong taong iyun. Pero walang sinabi ang emperyo na information tungkol sa mga kalaban. Hindi na rin ako sumubok na alamin kung sino-sino ang grupo na 'yun dahil yun ang utos ng Hari" sagot niya kaya tumango ako ng isang beses

"Bakit sila sumakop? Panigurado aalamin ng mga Tagahatol at ng Reyna at Hari ang dahilan ng kanilang pananakop" tanong ko gamit pa rin ang lenggawahe namin

"Wala rin silang sinabi. Pero n'ong araw na iyun, yun ang hindi ko malilimutan. N'ong araw na yun nakita ko na wala talaga silang intinsyon na saktan ang mga tao sa emperyo, ang kailangan lang nila ay ang Mommy mo. N'ong matapos ang gera tinanong ko ang Mommy mo tungkol d'on pero hindi niya ako sinagot" sagot niya kaya muli akong tumango

"Paano mo nasabi na si Mommy ang pakay nila?" Tanong ko ulit

"Dahil nakita ko si Che-che na kausap niya"

"Bakit niyo gustong makuha si Mommy? Ano ang rason niyo?" Napa pikit ako ng umihip ang malakas na hangin

"Natasha.." rinig kung tawag sa 'kin ni Brayden pero hindi ko siya tiningnan

"I know you're not ok t-" tumingin ako sa kanya at pinutol ang sasabihin niya

"Can you please stop that nonsense thing? Can you please leave me alone? Wag kang masyadong maging interesado sa buhay ko ikakapahamak mo yan Brayden, hindi lahat pwede mong malaman, kaya pwede ba layo layuan mo na ako?" inis na sabi ko sa kanya at tumayo na at iniwan na siya.

   Ayaw kung may taong mapahamak dahil sa akin. Lalo na siya.

"Kunting sagot pa sa mga tanong ko makaka alis na rin ako sa lugar na ito at pag babayarin ko ang mga taong pumatay kay Mommy"



- Brayden P.O.V -


   GUSTO nyang layuan ko siya? Dahil ikapapahamak ko? Bakit hahayaan niya ba akong mapahamak? Eh bakit ba ako umaasa sa kanya?

"Boss kailangan nating pumunta sa underground bar. May anunsyo si Big boss" sabi ni Black sa akin habang nandito kami sa banyo

"Anong oras?" tanong ko

"11 ng gabi" sagot niya habang nag huhugas ng kanyang kamay.


  Gangster vs. Mafia kung pag lalabanin kaming dalawa panigurado talo ako. Kaming mga Gangster minsan tumatanggap kami ng misyon galing sa mga Mafia pero bihira lang at depende pa sa iniuutos nila.

"Pare sa tingin mo mag babago ang pakikitungo sa atin ni Natasha?" tanong ni Harold kay Lavinzky

"Like she said her attitude is her real attitude hindi siya ang mag aadjust, and like Luna said if we have questions ask Natasha personally" sagot ni Lavinzky sa kanya na nag papatuyo na nang kamay habang ako iniisip pa rin ang sinabi ni Natasha. Lalayuan ko ba siya? But I have no reason to stay away from her aish! She making me crazy!!



- 10: 38 P.M (Underground Bar) -




"Yow Number 1!" tawag sa akin ng isang member ng Blue Gang habang may hawak na Wine

WHEN MISS NATASHA MEET THE GANGSTER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon