CHAPTER 46: Sacrifice

11 1 0
                                    

—Agustin P. O. V



      Napahinto ako sa pag gapang sa maliit na Tunnel na ito ng marinig ko ang malakas na tunog ng  kampana galing sa Palasyo.

"Sana ayos lang sila" paulit-ulit na dasal ko at pinag patuloy ang pag gapang hanggang sa tuluyan ko nang makita ang karagatan. Tumalon ako pababa't muntik pang mapasama. Tumayo ako at bumuntong hininga

"Malapit na ang pag sikat ng araw kailangan ko nang dalian" sabi ko sa sarili. Lakad takbo ang gawa ko, hindi rin naman kasi ako makatakbo ng maayos dahil basa ang buhangin na inaapakan ko.

   Pagod 'yan ang nararandaman ko ngayon at hula ko alas singko na nang umaga. Pasimple ko namang kinuha ang nakasampay na damit at mabilis na tumago at isinuot ito sa aking sarili.


"Grabe ang nangyari kagabi sa Palasyo. Tinangka ng Pinakamataas na Ranggo na tumakas" napatigil ako sa pag lalakad ng marinig ko 'yun

"Narinig ko rin sa dalawang kawal kanina na Pinana siya ng sarili niyang ama at tumama raw ito sa dibdib ng dalaga" laglag panga ako ng marinig ko pa ang isang 'yun ano kayang kalagayan nila? Babalik ba ako? Bumuntong hininga ako at nag dali-daling umalis hanggang sa makakuha ako ng isang kabayo na siya namang ginamit ko para makapunta sa kabilang bayan. Nag bihis ako ng maayos na damit at agad na pumunta sa Airport papuntang Pilipinas.

  Habang sakay ng eroplano hindi maalis sa isip ko ang mga narinig ko kaninang umaga, hindi ko alam kung totoo 'yun pero kinakabahan ako.

"Kung sa dibdib tinamaan ng Palaso si Natasha maaaring mamatay siya dahil ang palaso ng kanyang Ama ay may lason na maaaring ikamatay ng kung sino man ang matatamaan nito" napabuntong hininga ako at inihanda ang sarili.








—Brayden



          How can I move on? Paano ko siya malilimutan? Kumusta na kaya siya? Ayos lang kaya siya? Napabuntong hininga ako at inihiga ang ulo sa lamesa ng upuan ko't pinikit ang mga mata ko.


"Mga tol!!!!" sigaw ng isa naming classmate

"Si... Si Prof...." bigla akong napatayo ng marinig ko ang sunod niyang sinabi, lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso niya

"Oh? Ano?? Na saan? Kasama ba niya si Natasha? " tanong ko dito at umiling naman siya

"Narinig ko kanina habang nasa Teacher office ako na nakita raw ni Prof Daiz si Prof Agustin, puro nga raw ito sugat may black eye pa tapos bigla daw natumba si Prof Agustin kaya dinala niya sa Hospital" binitawan ko ang braso niya at tumakbo palabas para puntahan si Prof Daiz pero napahinto rin dahil may humawak sa braso ko

"Mica?" takang tanong ko

"Anong plano mo?" tanong niya na parang naiiyak kaya mas lalong kumunot ang noo ko

"Bakit?" balik na tanong ko

"Pupuntahan mo ba si Prof Agustin at tatanongin ang kalagayan ni Natasha?" tanong niya  ulit

"It's none of your business" iling na sagot ko at tinalikoran na ulit siya sabay takbo papuntang Teacher Office.

"Good afternoon Mr. Smith" bati agad ni Prof Daiz sa akin

"Good afternoon Prof Daiz, sabi po ni Ryan nakita mo raw po si Prof Agustin at dinala mo siya sa hospital?" agad na tanong ko sa kanya

"Ahh, oo bakit?" tanong niya

"Na saan pong Hospital si Prof?" tanong ko dito

"Sa Aries Hospital" sagot niya at nag thank you naman muna ako bago tumakbo pabalik sa room para kuhanin ang susi ng Motor ko

WHEN MISS NATASHA MEET THE GANGSTER (COMPLETED)Where stories live. Discover now