Kabanata 31

36.4K 1.1K 164
                                    

Kabanata 31

Lordosis

We're on a moving truck. Sobrang bilis ng pagpapatakbo nito at halos maputol 'yong bakal na hawak ko dahil sa sobrang higpit ng pagkapit ko rito.

Nasa likuran kami ng truck ni Lordcan upang makapagtago. Kinakalawang na ang ibang parte nito kaya halos hindi ako makasandal dahil baka ay madumihan ako.

Lordcan was looking intently at me as I was looking at him.

Hindi pa kami bati.

Basta niya nalang akong isinama rito. Nagmamadali siya na parang may hinahabol siya o may naghahabol sa kaniya.

I think he's running out of time.

Ang sabi niya sa akin ay huli na raw ito. Pagkatapos nito ay pupunta kami sa sinasabi niyang mansion ng organisasyon para sa isang meeting ng mga opisyales sa organisasyon.

Gusto kong malaman kung ano ang pag-uusapan nila. Baka naman isang malaking problema na naman?

Nakasuot ako ngayon ng bullet proof. Si Lordcan at Villazardo ay hindi.

Gusto na nila sigurong tumagos ang mga bala sa katawan nila at mamatay.

Dadaan daw kasi kami sa teritoryo ng mga terorista at wala namang nakakakilala sa aming dalawa ni Lordcan kaya maaaring paulanan kami ng bala. Itong si Villazardo naman ay kilala na nila kaya hinahayaan nalang nilang dumaan. Kaya nga truck ang sasakyan namin ngayon.

Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Ang alam ko lang ay dadaan kami sa teritoryo ng mga terorista. 'Yon lang.

Si Villazardo ang nagmamaneho at parang lasing pa kung magpatakbo.

Kaming tatlo lang ang magkakasama ngayon. Tuluyan na nga'ng bumalik si Kate sa sinasabing mansion ng organisasyon at si Gordon naman ay nanatili sa Torturers' Field.

Pakiramdam ko ay pupunta kami ngayon sa lugar ng mga killer for hire.

Katulad ng sa Torturers'Field ay halos mga puno ang nadadaanan namin sa gilid ng sementadong daan. May minsan ding hindi semento ang daan kaya kulang nalang ay mabasag ang ulo ko sa tuwing hindi sinasadyang mauntog ito sa truck.

Ang sakit na rin ng puwet ko dahil wala namang upuan dito kaya sa mismong kinakalawang at maduming sahig ng truck kami umupo.

Ipapamasahe ko kaya kay Lordcan?

'Yong utak mo, self. Ang manyak.

Nang naramdaman ko ang paggalaw ng truck na parang barkong hinahampas ng malalaking alon ay isang malakas na pagsigaw ang narinig ko mula kay Lordcan.

"Tangina mo, Villazardo!"

Mula sa mabilis na pagpapatakbo ay bigla nalang huminto ang truck kaya halos masubsob ako sa unahan nang dahil sa biglang paghinto nito.

Narinig ko ang sunod-sunod na pagmura ni Lordcan nang dahil sa nangyari.

"Sir! Ayos lang ba kayo riyan?" bakas sa malamig na boses ni Villazardo ang pang-aasar na parang nagugustuhan niya pa ang mga nangyayari sa amin dito sa likuran.

Hindi siya sinagot ni Lordcan.

My forehead creased when Lordcan gesture something at me.

Pinapaupo niya ako sa hita niya. Ayos 'to, may instant sofa agad ako?

Tumayo ako nang hindi nagrereklamo at kasabay ng pagtayo ko ay ang biglang marahas na paggalaw ng truck kaya nawalan ako ng balanse at bumagsak sa mismong katawan ni Lordcan.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon