Kabanata 4

60.9K 1.8K 216
                                    

Kabanata 4

Vacation

I hugged the pillow tightly as I woke up at four in the morning. Mas hinila ko pa ang kumot ko dahil naramdaman kong guminaw ang paligid. Hindi ko ata napatay 'yong air-condition.

Ayokong tumayo. Inaantok pa ako.

I groaned when I sleepily jumped out of bed to turn the air-condition off. The dim light from the lampshade wasn't enough to give me light.

Saan ko ba kasi iniwan 'yong remote control ng air-condition?

Instead na hanapin ko 'yong remote ay pumunta ako sa kinaroroonan ng switch ng ilaw. Kinusot ko pa 'yong mga mata ko bago tuluyang luminaw ang paningin ko.

Nasa may sofa lang pala sa gilid 'yong remote.

I took the remote and turned the air-condition off.

"What did I told you?"

Lumingon ako sa may bintana ng kuwarto ko nang narinig ko ang malamig niyang boses na mas malamig pa sa aircon kanina. Napaigtad ako nang nakasalubong ng bagong gising kong mga mata ang mga malalamig ng titig.

Kaya pala ang lamig?

Mabilis kong niyakap ang sarili nang nakita ko kung paano niya ako hinagod ng tingin. Siya rin ay tinignan ko mula ulo hanggang paa. He's wearing a plain white T-shirt and black shorts.

Nakapaa lang siya. Ang lamig ng sahig tapos nakapaa lang siya? Nasaan ang tsinelas niya? Tinapon niya rin ata.

Don't tell me that he only have one pair of slippers?

Siguro ay inaantok lang ako?

Hindi siya totoo. Namamalik-mata lang ako. Kulang lang 'to sa tulog.

Kaya tinalikuran ko siya.

"I'm talking to you, Khione!"

Ito, totoo na talaga 'to.

Natigilan ako sa pagpunta pabalik sa kama nang dahil sa nakakapanindig balahibo niyang sigaw.

Hinarap ko siya at itinaas ang isang palad ko. "Umalis ka na, inaantok pa ako." muli ko siyang tinalikuran at tuluyan ng bumagsak sa kama.

I wrapped myself with the blanket and closed my eyes.

Mabilis din namang inimulat ko ang aking mga mata nang isang mainit, malaki at magaspang na kamay ang mahigpit na humawak sa ankle ko. Napatili ako nang hinila ako nito papunta sa pinakadulong bahagi ng kama.

"Let go off me!" sinubukan ko siyang tadyakan pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa paa ko na halos hindi ko na ito maigalaw.

Namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa pinakadulo ng kama at nasa harap ko siya. Nakatayo ng matuwid.

Binitiwan niya na ang paa ko.

I tilted my head to look up at him.

Tinuro niya ang pinto at tinapunan ako ng masamang tingin.

"What did I told you? I can't remember it, Khione. Will you tell me?" sarkastiko at may halong galit, dagdagan mo pa ang inis sa tono ng boses niya.

Siya mismo ang nag-utos, tapos 'di niya natandaan?

Pareho pala kaming may ultra mega super duper short term memory.

Nagkibitbalikat ako na mas lalong ikinagalit niya.

Halos mahuhulog na ulit ang talukap ng aking mga mata at malumanay ko siyang tinignan. 'Yong mata ng mga lasing? Gano'n, gano'n ang mga mata ko ngayon.

Lasing sa mga titig niya.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon