Kabanata 24

40.1K 1K 101
                                    

Kabanata 24

Warehouse

Buong araw lang akong nakahiga o 'di kaya'y nakaupo sa kulay itim na kamang 'to. Ang sakit pa rin sa paa maglakad.

Kaninang umaga nang nagising ako ay bumungad sa akin ang katahimikan ng buong silid.

Wala na si Caspian na sa pagtulog ko ay nakatayo lang at nagbabantay sa akin.

Nasaan kaya siya?

At least bago siya umalis ay may binilin siyang pagkain at bagong damit. Kaya kasalukuyan na akong nakasuot ng kulay puting malaking T-shirt at black shorts. May nakita rin akong kulay maroon na tsinelas sa gilid ng kama kaya minsan ay sinusuot ko 'yon kapag gusto kong subukan na maglakad at baka ay puwede na akong maglibot sa buong paligid.

Hanggang dito na nga lang ba ako? Ayokong magmukmok dito.

I checked my ankle to see if it's okay to walk again. I'm not going to force it if it can't, I'll just try.

I slid my feet on the slippers. I balanced myself through leaning a little against the black bed. Sinubukan kong humakbang at natigilan nang nakaramdam ako ng konting kirot. Hindi puwede, kailangan kong maglakad. Hindi puwedeng inaalagaan ko na lang 'tong sugat ko at uupo lang sa boring na kuwartong 'to hanggang sa lumubog ang araw para sa panibagong gabi na naman.

Hindi talaga ako mapakali 'pag wala akong ginagawa.

"What do you think you're doing?"

Gulantang na napatingin ako sa kinaroroonan ng boses. Sa pintong ngayon ay nakabukas na. Sa sobrang gulat ko nang nakita ang ekspresyon sa mukha ni Caspian ay 'di ko namalayang napatayo ng maayos. Isang boltahe ng hapdi at kirot ang naramdaman ko sa aking paa kaya mabilis ko itong iniangat mula sa sahig.

Nakatayo ako gamit ang isang paa.

Nahuli ako sa akto ni Caspian.

Hindi kumibo so Caspian na parang may hinihintay. Anong hinihintay niya? Ako ba? Aalis kami?

Biglang pumasok sa isip ko 'yong tanong niya kanina. Siguro ay hinihintay niya akong sumagot.

"What do you think you're doing?" ulit nito sa tanong. Sobrang lalim ng boses nito at sobrang lamig na pati yata ang Sahara Desert ay magyeyelo.

"Uhm... Naglalaro ng black jack?" wala sa sariling sagot ko habang nakaangat pa rin ang nakabendang paa.

Tinapunan niya ako ng isang nakamamatay tingin. Sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa akin ay parang nagsasabi itong hindi ko siya maloloko.

'Di niya ba alam ang larong black jack?

Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba ay sobrang abala niya sa pag-uutos ng kahit ano sa labas? Si Gordon na nga ang laging naghahatid dito ng mga pagkain ko dahil sa sobrang busy niya raw.

"Kate."

Kunot noo kong tinignan si Caspian nang sinambit niya ang pamilyar na pangalang 'yon. His strong muscled arms were crossed against his chest while staring at me. Trying to read what's on my mind.

Nalipat ang paningin ko nang isang pamilyar na pigura ng babae ang pumasok at nilagpasan siya.

It's her. She has this dark aura that surrounds her. Three piercings was cut through the sides of her ears. Wearing a black tube that's hugging her perfect curve down to the waist tightly with a pair of leather boots like a cowgirl in Texas.

Siya 'yong babaeng sumulpot noong pinarusahan si Caspian dahil sa paglabag sa kaniyang mismong batas.

I'm meeting her for real?

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon