Kabanata 10

49K 1.4K 160
                                    

Kabanata 10

Harsh

After the knees melting moment we had, he immediately put a distance between us. Naglakad siya pabalik sa harap ko kaya napayuko ako upang iwasan ang nag-aapoy niyang mga mata.

Tumaas ang isang kilay ko nang nakitang nakabenda ang kanang paa niya.

Anong nangyari do'n? E 'di pareho na kami? Pero 'yong sa'kin ay naghilom na.

Ayokong magtanong sa kanya pero magtatanong ako kay Monterozo mamaya.

Ilang minuto kaming tahimik at nanatili siya sa harap ko.

"H-Hindi ka ba aalis? Paano ako makakapaglinis sa sarili kung nakatingin ka?" nauutal kong tanong. Ang sakit pa rin kasi ng lalamunan ko. Hindi ako uminom ng tubig dagdagan mo pa 'yong mga nainom kong tubig dagat.

"Nakatingin lang ako, hindi ako gagalaw." aniya na nakatayo ng matuwid at parang binabantayan ako.

Medyo napahiya ako do'n ah.

I turned my hands into a cup-like shape and took a water using it. Ibinuhos ko sa balikat ko ang tubig at bahagya ko pang itinagilid ang ulo ko upang maayos ang pagkakabasa ng balikat ko.

He can only see my collarbone, kasi natakpan na ng petals ang lahat ng nasa paligid ko sa loob ng tub.

Paano na 'yong buhok ko? Hindi mababasa. Amoy dagat na 'yon.

"I want to shower." I whispered enough for him to hear it.

"No."

"Why? My hair feels sticky," reklamo ko. Bakit ba kasi nakabantay siya sa akin?

Baka tatakas na naman ulit ako?  Paano ako tatakas sa loob ng magarang banyong 'to?

"Sige, maligo ka. Tignan natin kung sino ang tatamaan ng lagnat," he sounds like a parent scolding his child.

Bakit hindi? Tutal 'yon naman ang nararadaman ko ngayon. Parang nilalagnat na nga ako e. Buti hindi masyadong malamig ang tubig sa tub.

"Kuya? Is that you?" tukso ko dahilan kung bakit agad niya akong tinapunan ng masamang tingin.

Inirapan ko lang siya.

Wala sa sariling gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang may naisip.

Ayaw niya palang tinatawag ko siyang kuya? But he looked like he's in his early twenties. Twenty-two? Twenty-three? I guess? While I'm still eighteen.

I looked up at him with a smirked flashing on my face.

"Kuya? Paki-abot naman 'yong tuwalya," matamis at magalang kong utos sa kanya ngunit tinitigan niya lang ako at hindi ginawa ang sinabi ko.

Talagang ayaw niyang tawagin ko siyang kuya e 'no?

"Kuya? Please?" pagmamakaawa ko sabay ngiti ng sobrang tamis na pati ang labi ko ay lalanggamin.

"Isang kuya mo pa, tangina, hahalikan na kita."

Wala sa oras na parang nagkaroon ng glue ang mga labi ko nang mabilis ko itong itinikom. Pero bakas pa rin ang saya sa mukha ko na parang tinutukso siya.

I even acted like I'm zipping my mouth and locking it, tapos ihinulog ko 'yong invisible susi sa tubig.

Nakita ko kung paano niya mariin na ipinikit ang mga mata na tila sobrang laki ng problema niya.

Ako 'yong problema e, sige, problemahin mo ako.

"Go to bed after this," said his deep powerful voice.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon