Kabanata 14

41.8K 1.3K 230
                                    

Kabanata 14

Serious

Halos lumabas 'yong puso ko mula sa dibdib ko nang hindi pa rin tinigilan ni kuyang operator ang pinto ng cabin ni Kara.

Anong gagawin ko ngayon? Hindi ako puwedeng magsalita. Malalaman niya agad na hindi ako si Kara. Buti nilock ko 'yong pinto kaya hindi siya agad nakapasok.

Humiga ako sa maliit na kama at binalot ng kumot ang buong katawan.

Humilik ako ng malakas na nakapagpahinto sa mga pinagsasabi ni kuyang operator. Ano ba kasi ang pangalan niya? Kailan ba kami makakarating sa pupuntahan ni Caspian?

"Pagod na pagod ka siguro, mahal ko. Matulog ka lang at ipagpahinga mo ang galit mong puso nang sa paggising mo ay baka mapatawad mo na ako," bakas sa boses nito ang pagsuko.

Ang sweet niya naman.

Makatang-makata pakinggan si kuya ah? Uso pa ba 'yan ngayon?

Iba na kasi mga lalaki ngayon at iba na rin ang tipo ng mga babae sa mga lalaki sa panahon ngayon. Gusto nila 'yong mukhang hindi nagpapatalo at galit lagi.

Parang si Caspian.

Pero hindi lang naman kasi siya sa mukha gano'n e. Pati na rin sa attitude niya.

Napapikit ako ng mariin nang narinig ang paglisan ng lalaki sa labas ng pinto. Mabilis na bumalik sa isip ko ang lahat ng narinig ko tungkol kay Caspian.

Nawala lahat ng kalokohan sa isip ko at napalitan ng kuryusidad.

Nakakalito ang mga ipinapakita ni Caspian sa akin. How can I figure it out in which of the two he sincerely is? He's treating me different, maybe because of the Red Market? He's different too whenever there's people other than us.

That's just so confusing.

Seryoso, kailangan ko ng magseryoso. Mukhang delikado ang papasukin kong lugar. Kahit nga sa pagtabi lang ni Caspian ay delikado na.

Napalunok ako nang naisip na baka ay totoong pumapatay siya ng tao 'pag talagang ginagalit na siya.

Bakit may parte sa puso ko na hindi naniniwala?

Talaga bang magseseryoso na rin ako? He influenced me. Bad influence talaga 'tong si Caspian.

Napapaseryoso ako ng wala sa oras e.

Umupo ako sa kama at agad na naghanap ng kung anumang maaaring magagamit ko rito sa cabin ni Kara. May nakita akong isang box na puno ng iba't ibang gamot.

I sighed in relief when I saw a tablet for fever.

Kanina ko pa iniinda 'tong nararadaman ko. I ignored it because I need to find a way to stay here. It won't take long to reveal your deepest and darkest secret, Caspian.

Seryoso ako, 'wag kang ano, basta seryoso ako. Sasapakin ko ang hindi maniwala sa akin.

Nilalagnat nga talaga ako.

Nagpahinga muna ako sadali at 'di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako nang may tumunog na bell mula sa labas. Kinusot ko ang mga mata ko at naghanap ng maisusuot sa maliit na cabinet dito. My nakita akong black jeans at jacket kaya agad akong nagbihis.

Sumilip ako sa maliit na bintana dito sa labas at nakitang dumadaong na ang yate. Hindi na kailangan na sumakay ng bangka dahil hindi naman kami bababa sa isang isla.

We're back in the city.

Nakita kong may nakapark na kulay na kotse sa hindi kalayuan at agad kong nakita si Caspian na tumatawid na sa isang plank.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon