Kabanata 32

33.6K 981 259
                                    

Kabanata 32

He

Ilang minuto ang lumipas at halos marinig ko na ang ingay ng mga maliliit na hayop dito dahil sa sobrang tahimik. Sobra ang pagpipigil ko upang hindi lang maihi rito.

Lordcan smirked at the man.

"Are you referring to my father?"

Father? Akala ko talaga ay pangalan niya na 'yon.

Bakit parang nakalimutan na ni Lordcan kung bakit kami narito?

"Kamukhang-kamukha mo ang kaibigan ko." sabi ng matandang lalaki sa magaspang na boses. Ngumisi rin siya kay Lordcan na parang si Lordcan talaga ang kaibigan niya.

Kung gano'n ay nasaan na ang kaibigan niyang ama ni Lordcan? Nandito ba?

Naiihi na talaga ako.

Ramdam ko pa rin ang baril na nakatutok sa akin. Hindi ba halata na parang magkakilala ang dalawa? Ba't nakatutok pa rin sa akin ang baril?

Natahimik na naman ang buong paligid kaya tsansa ko na 'to upang magsalita.

"Lordcan, naiihi na ako." reklamo ko dahilan kung bakit lahat sila ay tinapunan ako ng isang masamang tingin, maliban kay Lordcan na sa lalaking nakahawak sa akin nakatingin ng masama.

"Release her." the old man ordered in a very authoritative tone of voice.

Marahas akong binitiwan ng lalaki.

"Grabe naman 'to," reklamo ko nang muntik na akong nawalan ng balanse dahil sa paraan ng pagtulak niya.

Naglakad ako palapit kay Lordcan at nakita ko pa kung paano unti-unting umaatras ang mga taong nakapaligid sa amin na parang natakot yata ni Lordcan.

Dahil siguro kay Lordosis.

Kumapit ako ulit sa laylayan ng damit niya na parang walang nangyaring holdup kanina at magrereklamo na sana ulit nang naunahan niya ako sa pagsalita.

"May banyo ba kayo rito? Kahit ano, 'yong tagong lugar, basta 'yong walang makakita sa kaniya." tanong ni Lordcan sa mas maawtoridad na boses kesa sa lalaking matanda kanina.

The old man nodded and moved his head to the direction of the curtain-looking green plants that's hanging loosely on a branch of a huge tree.

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa clearing bago makarating sa sinasabi kong parang kurtina ng mga halaman.

Lordcan rested his hand on my back while I'm still clutching his shirt. I felt his hand pushed my back lightly to make me move and walk along with the old man ahead.

"Lordcan? Saan tayo pupunta pagkatapos nito?" natanong ko habang naglalakad na sa gitna ng clearing habang nanatili pa rin ang kaniyang kamay sa aking likod na parang ginagabayan ako sa paglalakad.

"Sshh. To the last field." he hushed me at the same time answered my question.

Bakit pinapatahimik niya ako? Parang wala siyang tiwala sa mga tao rito. Bakit kami sumusunod sa lalaki kung gano'n?

"Huwag kang lumayo sa akin pagpasok natin sa loob." bulong niya sa sobrang hina ay halos hindi ko na ito marinig pa. I felt his hand at my back, snaked to my waist and pulled me closer to him like he's not going to let anyone take me away from him.

Kanina ay nakita ko na naman ang mga mata niyang walang kabuhay-buhay nang hinila ako ng lalaki.

I looked up at the dark expression on his face while he's busy looking forward to where we're going.

"So puwede pa akong lumayo sa'yo ngayon kasi 'di pa tayo nakapasok sa loob?" bakas sa boses ko ang pang-aasar nang sinabi ko ang mga salitang 'yon.

Ang sabi niya kasi ay huwag akong humiwalay 'pag nakapasok na kami sa loob. Paano naman ngayong hindi pa kami nakapasok?

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon