Kabanata 38

35.1K 1K 161
                                    

Kabanata 38

Attempt

Sleep, eat, pee, sleep, eat, poop.

Am I going to die and the cause of death is boredom?

Pinagmasdan ko si Lordcan habang abala at ubod ng seryoso sa pagpipindot ng keys sa laptop niya. Nakapalag sa gilid ng hospital bed ang laptop na nasa tabi ko lang at nakaupo naman siya sa isang upuan.

Pindala niya pa talaga rito ang laptop niya upang habang nagbabantay siya sa akin ay nagtatrabaho naman siya.

Sila Kate naman ay naghihintay lang ng utos ni Lordcan at dahil kanina pa ako nagpapansin sa kaniya at nagpabili ng kahit ano, kaming dalawa nalang ang naiwan dito. Umalis na sila para bilhin ang mga pinapabili ko.

Hindi talaga matanggal ang madilim na mga mata ni Lordcan sa screen ng laptop niya. Magkasalubong na naman ang mga magagandang kilay nito.

Ang tahimik at ang tanging ingay na maririnig ko lang ay ang tunog ng mga daliri niya sa pagpindot ng mga keys sa laptop.

"Lordcan?"

"Hmm?"

Kahit isang sulyap ay wala akong natanggap mula sa kaniya.

Napanguso ako nang dahil sa sobra-sobra na ang atensyon na ibinibigay niya sa salot na laptop na 'yan.

"Can I walk around the hospital?" paalam ko kahit alam ko rin naman kung ano ang kaisa-isang sagot niya.

"Hospital is not a park." his eyes moved sidewards back and forth like he's reading something on the laptop's screen.

"Then can I go to the park?"

Natigilan siya sa pagbabasa at bumaling sa akin. He shut his laptop down and finally face me. Huminga siya ng malalim na parang mas dumagdag lang ako sa mga problema niya.

Problema ba talaga ang dala ko sa kaniya? Hindi naman ako pasaway, bakit ganito siya?

Palihim kong hinawakan ang tube ng dextrose at akmang aalisin ito sa kamay ko ngunit napalunok ako nang bumaba ang tingin ni Lordcan sa kamay ko. Nanigas bigla ang mga daliri ko at sa isang iglap ay hawak na naman ni Lordcan ang kamay kong may nakakabit na dextrose na parang inilayo ito mula sa akin.

Gano'n na ba talaga ang nasa isip niya? 'Di ko siya masisisi dahil siguro sa nangyari kahapon.

"Khione," he warned.

"Ang kati kasi, Lordcan." depensa ko na agad niya namang pinaniwalaan.

He gently caressed my knuckles up to where the white tape was. Parang kinakamot niya upang mawala 'yong kati.

Ang kati nga.

Nangangati na rin ang mga paa ko, gusto na raw nitong maglakad.

Nakatitig lang ako sa mga kamay namin. Ang laki ng kamay niya kumapara sa akin, mukhang isang marahas na galaw niya lang ay parang mababali na ang kamay ko. May iilang ugat din ang nagpapakita sa kamay niya.

"Feeling better?" his baritone voice was like he's tranquilizing me as I felt like I'm too small under his scrutiny.

Grabe naman 'to makatingin.

Parang sinisigurado niyang hindi ako gagawa ng kalokohan. Mga loko lang ang gumagawa ng kalokohan, kaya nga kalokohan ang tawag diyan.

I heard his phone rang.

Napangiti ako kasi alam kong tungkol sa trabaho ang ibig sabihin ng tawag na 'yon.

Akala ko ay lalabas siya upang sagutin ang kung sinuman ang tumatawag sa kaniya ngunit nawala rin agad ang ngiti sa labi ko nang nanatili siya sa kinauupuan niya at sinagot ang tawag sa cellphone niya.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon